May 23, 2025
Were James and Nadine arguing at the ‘Wangfam’ premiere night?
Home Page Slider Latest Articles

Were James and Nadine arguing at the ‘Wangfam’ premiere night?

Nov 20, 2015

by PSR News Bureau

Nadine-Lustre-n-james-reid-copyMabilis na kumalat sa social media at naging viral agad ang candid video nina James Reid at Nadine Lustre na nakunan sa premiere night ng pelikulang “Wangfam.” Sa nasabing video, mapapansin na hindi naging maganda ang timpla ng mood ni James pagkakita nito sa sexy na kasuotan ng kapareha. Makikita kasi na parang ‘sinita’ ni James si Nadine sa damit nito na asymetrical white fitted dress. Nahirapan makarating sa nasabing premiere night ang magka-loveteam dahil sa traffic dala ng APEC Summit sa bansa. Hindi nga sila sabay na nakarating sa nasabing premiere. Naunang dumating si James at nagtiyaga itong maghintay sa pagdating ng kanyang kapareha. Sa kumalat na video na in-upload ng isang fan at YouTube user na si MJ de Leon, mapapansin na mayroong pinagtatalunan ang dalawa sa pagdating ni Nadine.

jadine tampoPumunta sina Nadine at James sa nasabing premiere upang suportahan ang mga kaibigan nilang sina Andrei Paras at Yassi Pressman. Dahil dito, nag-alala ang JaDine fans kung ano ang pinagtalunan ng dalawang idolo nila. Matapos nito’y kaagad naman din ipinakita nina James at Nadine na kung anuman ang namagitang gusot sa kanila ay kaagad din na natapos. Nag-post na rin kasi kaagad ng larawan sina James at Nadine sa kanilang respective Instagram accounts kung saan masaya na at nakangiti na muli silang dalawa na animo’y walang nangyari. Siniguro naman nila ang fans na hindi raw nila hahayaang masira ang kung anumang espesyal na namamagitan sa kanila.

Hiningi nila ang pang-unawa na natural lang naman daw magkaroon ng tampuhan ang dalawang tao, maging magkaibigan lang o magkasintahan. At ito lang naman daw ang nangyari sa pagitan nina James at Nadine na patuloy pa ring pinakikilig ang lahat sa “On The Wings of Love” gabi-gabi sa ABS-CBN.

Leave a comment

Leave a Reply