May 24, 2025
James Reid and Julia Barretto seen together dating in a coffee shop
Home Page Slider Latest Articles

James Reid and Julia Barretto seen together dating in a coffee shop

Apr 1, 2015

vance @madrid
by Vance Madrid

Paano naman kaya muling malulusutan ni James Reid ang kinasasangkutang issue nito recently kung saan may nakakita umano sa kanila ni Julia Barretto na magkasama sa isang coffee shop sa Quezon City? Mabilis kumalat sa social media ang nasabing picture ng dalawa matapos mai-post ito sa isang kilalang showbiz blog.

unnamed

Natural lang naman na dahil nakita silang dalawang magkasama publicly, people will assume na nag-date nga ang dalawa. It did not sit well with the fans of Nadine Lustre, ang screen partner nitong si James. Marami ang nagsasabi na kasalanan ito ni James, di daw dapat siya pumayag magpakuha ng litrato dahil hindi nga naman si Julia ang kanyang leading lady sa pelikula nilang “Para Sa Hopeless Romantic.”

Nagwawala na naman ang JaDine fans, marami na ang naiinis sa binata. Feeling nila inaapi yung idolo nila, dapat exclusive lang si James kay Nadine Lustre na siyang katambal ni James. Mukhang nagiging playboy ang imahe nitong si James dahil kung kani-kaninong babae siya nail-link. Para bang lantaran niyang ipinapakita na hindi niya tunay na type itong si Nadine. Maliban pa dito, marami nang mga negative na issue na dati nang kinasangkutan nitong si James. Parang wala na ngang ginawa si James kung hindi humingi ng sorry sa publiko at sa media.

Pati si Julia na kamakailan lang nag-debut, negative na naman ang dating sa tao. Kahit paano kasi after she had reconciled with her father prior to her debut, bumango muli ang pangalan ni Julia. Pero sa bagong issue na kinakaharap niya, hindi kaya muling bumalik sa pagiging negative ang kanyang imahe? Ang dating kasi niya sa fans, parang inaagaw niya si James kay Nadine.

Sana naman raw, ika nga ng ilang JaDine fans, maging conscious naman itong si James sa kanyang mga nakakasama. Alam naman ng lahat na mayroon itong ka-loveteam, lalo’t sikat na at tinagkilik na ng marami ang kanilang tambalan, hindi ba dapat na hindi nito sayangin ang effort ng Viva Films na marating nila ang kasikatan na kanilang tinatamasa ngayon? Hindi natin gusto na dayain nina James at Nadine ang fans na paniwalaing mayroon silang relasyon sa tunay na buhay kahit wala. Nagawa na ito dahit nung kapanahunan nina Angelou De Leon at Bobby Andrews (isa sa mga sumikat na loveteam noong dekada ‘90s.) Matatalino na ang fans ngayon, hindi mo na sila basta mapapaniwala lang.

On the contrary, tao lang naman si James. Hindi naman natin masisis ang binata kung magkagusto man ito kay Julia. Sa ganda ni Julia, wala naman itong masamang ginawa sa paglabas kasama ni Julia. Bilang tao, may karapatan din naman siyang pumili ng taong mamahalin. Mahirap nga naman ipagpilitan ng fans na magkagustuhan sina James at Nadine kahit na ang totoo’y wala naman talagang matatawag na ‘spark’ between them.

Leave a comment

Leave a Reply