May 24, 2025
James Reid and Nadine Lustre explains their viral hand-helding photo
Home Page Slider Latest Articles

James Reid and Nadine Lustre explains their viral hand-helding photo

Feb 4, 2016

by PSR News Bureau

viral

Mabilis na naging usap-usapang sa bawat sulok ng social media ang naging viral na larawan nina James Reid at Nadine Lustre na magkahawak-kamay habang natutulog sila sa eroplano. Marami ang kinilig dahil hindi nga naman kailangang mag-holding hands pa ang dalawa gayong wala naman sila sa harap ng kamera. Lalo tuloy umigting ang isyu na baka sila na ngang dalawa at ayaw pa lang nila umamin.

Kaagad naming nagbigay ng paliwanag ang dalawa kaugnay ng isyu tungkol sa naging viral na larawan nila sa isang flight nila pabalik ng Manila. Sabi ni Nadine, nangalay lang daw siya habang si James naman ay nagpaliwanag na kaya niya hinawakan si Nadine dahil umano natatakot ito sa turbulence ng eroplano. Dahil na rin sa magkaiba sila ng naging pahayag kung kaya’t lalo pang nagkaroon ng speculation ang fans na sinasabing may namumuo na ngang tunay na relasyon sa pagitan ng dalawang artista ng On The Wings Of Love. Kahit pa ilang beses na nilang itinanggi ang kanilang relasyon at nanatili lang silang magkaibigan. Hindi pa rin tumitigil ang fans na mangarap na sana ay maging magkarelasyon nga silang dalawa sa tunay na buhay

Leave a comment

Leave a Reply