
James Reid gifted Nadine Lustre with a Teacup Maltese
by PSR News Bureau
W alang pagsidlan na naman ang kakiligan ng mga JaDine fans across the globe. Napagalaman kasi na ang regalo pala ni James Reid sa kapareha sa kaarawan nito ay isang cute na cute na puting teacup maltese na puppy. Sinorpresa ni James si Nadine sa taping ng On The Wings Of Love. Matatandaang sa birthday greetings ni James sa Instagram for Nadine noong October 31, sinabi ng young actor na “Got something for you when you get back.”
Pinangalanan ni James na ‘Clarky ang nasbaing Teacup Maltese bilang pagsunod sa character niya sa On The Wings Of Love na Clark. Nag-post ang Viva Artists Agency ng larawan ng dalawa kasama ang cute na puppy. Marami ang nag-comment sa nasabing post na napaka generous naman daw pala ni James considering ang presyo daw ng nasabing puppy ay nagkakahalaga ng $600-$5,000 daw ang tumataginting na presyuhan nito sa merkado para sa Teacup Maltese.
Kaya naman mas lalo pang hinangaan si James ng fans dahil hindi lang daw ito galante, napaka-sweet pa rin daw at masasabi rin na ideal bilang boyfriend. Hangad nila na sana’y maging totohanan na ang anumang namamagitan sa 22-year-old na si Nadine at mauwi na sa isang tunay na relasyon ang samahan nito at ni James.