May 24, 2025
James Reid and Julia Barretto were allegedly seen flirting with each other again
Home Page Slider Latest Articles

James Reid and Julia Barretto were allegedly seen flirting with each other again

Nov 26, 2015

by PSR News Bureau

james and juliaMay kumakalat na balita ngayon sa social media tungkol umano sa pagkadismaya ng isang fan kay James Reid nang magtangka ang fan na nagngangalang Inah Evans na nais sanang magpa-picture sa aktor nang makita niya ito ng personal sa The Bowery sa The Fort. Ayon kay Inah, “I was turned down with these words: ‘Not today. Maybe next time.” Bukod sa tinawag nito si James na ‘mayabang,’ binanggit din nito kung bakit ayaw magpa-picture ng aktor. Hayagang sinabi niya na “James was so occupied kissing and flirting [with] Julia Barretto that time. Kulang na lang mag-sex sila sa harapan namin [ng friends ko].

As of this time, wala pang kumpirmasyon o anumang pag-deny mula kay James ang napapabalita. Matatandaan na noon ay nagkaroon din ng issue tungkol sa pag-date ni James at Julia sa isang coffee shop sa Tomas Morato noong kasagsagan ng promo nila para sa pelikulang “Para Sa  jadineHopeless Romantic” kung saan kapareha ni James si Nadine at si Julia naman ay kapareha ni Inigo Pascual. Inulan ng batikos sina James at Julia nang dahil dito lalo’t higit sa fans ng JaDine. Para sa kanila, si Nadine lang ang maaaring makapartner ni James. Selosa ang fans pero hindi apektado si James. Sabi ni James noon, iba raw ang kanyang pribadong buhay kaya’t hindi daw ito nagpapadikta lang sa fans pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

Leave a comment

Leave a Reply