May 25, 2025
James Reid and Nadine Lustre reunite in ‘Para Sa Hopeless Romantic’
K3SN3 Latest Articles

James Reid and Nadine Lustre reunite in ‘Para Sa Hopeless Romantic’

Apr 29, 2015

by Mary Rose G. Antazo

Jadine 8KAPAMILYA STAR PATROL- Bongga ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre dahil pagkatapos ng dalawang blockbuster movies nilang ‘Diary ng Panget’ at ‘Talk Back & You’re Dead’ ay muli nilang patutunayan ang hatak nila sa moviegoers via the movie ‘Para sa Hopeless Romantic’ (PSHR) under Star Cinema. Base ito sa nobela ni Marcelo Santos na siyang manunulat din ng dalawang naunang pelikulang nagawa nila. Nakatakda ring ipalabas this year ang first teleserye ng JaDine (James at Nadine) sa Kapamilya network, ang ‘On The Wings of Love’. Incidentally, sila rin ang kumanta ng theme song ng movie nila na PSHR na “Hanap-hanap.”

Aminado si James na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa suwerteng dumapo sa kanila ng kanyang ka-loveteam na si Nadine. Kaya naman ngayon ay talagang sineseryoso na niya ang pag-aartista dahil minsan lang daw dumating ang ganitong oportunidad.
“I have so much to be thankful for. Everything happened so fast since we were launched in ‘Diary ng Panget.’ I’m glad I was with Nadine when it happened and we went through it all together. Now, I’m definitely much more serious with my career and I’ve come to realize that I really love acting.”

Ngayong third time na silang nagkasama sa movie ni Nadine, may nabago na ba sa kanilang samahan?
Ayon kay James, “Sa ‘Diary’, awkward pa kami since we’re still getting to know each other.” Kuwento ni James  na nung time na ginawa nila yung first movie nila ay nahihiya pa sila sa isa’t isa. Sa ‘Talk Back’, mas kilala na daw nila ang isa’t isa so they’ve become more relaxed. And now, in ‘Hopeless Romantic’, they really know each other so well and they’re now comfortable with each other kaya mas madali na silang idirek.

“Wala nang hesitations ang dalawa kahit sa romantic scenes, kaya mas intense na ang chemistry nila at pati ako mismo kinikilig sa kanila,” sabi pa ng direktor ng naturang pelikula na si Andoy Ranay.

In ‘Hopeless Romantic’, James plays Nikko while Nadine is Becca. They used to be lovers but they broke up as they have different beliefs about love. Nikko is optimistic that they might reconcile but Becca is actually very bitter about their breakup. In an alternative reality that exists only in Becca’s mind, Julia Barretto and Inigo Pascual play lovers Maria and Ryan who represent the true state of Becca’s heart. Their two love stories intertwine to tell viewers that when it comes to love, all of us have the power to choose our own happy ending. This will open in theatres on May 13.

“I’m thankful I was given the chance to work with my Mom.” – Sancho delas Alas

Sancho Delas AlasKAPUSO CHIKA MINUTE- First project ng Kapuso star na si Sancho delas Alas ang teleseryeng ‘Let The Love Begin’ na pinagbibidahan ng kanyang ina na si Ms. Ai Ai delas Alas at ang bagong love team na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Malaki ang pasasalamat ni Sancho dahil matagal na niyang pangarap na mag-artista at nabigyang katuparan na nga ito ng GMA 7.

“Very thankful ako dahil nabigyan ako ng chance na agad maisalang at kasama ko pa ang Mama ko. First project ko po ito ngayong under contract na rin po ako sa GMA Artist Center.”
“Dream ko po iyon talaga na makasama ako sa work ni Mama, kasi isa po ako sa mga super-duper fans ni Mama. Idol na idol ko po siya bilang artista,” masayang pahayag ng binata nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa presscon ng ‘Let The Love Begin’ sa GMA 7.
Naikuwento rin ni Sancho na nag-audition din pala siya sa PBB (Pinoy Big Brother) ng Kapamilya network but unfortunately, hindi siya pinalad na mapili kaya sobrang disappointed daw siya sa nangyaring iyon.
“Yes, I auditioned for PBB but hindi ako natanggap. Super sakit sa akin ‘yun dahil feeling ko po nag-fail ako kay Mama. I really wanted to be part of that show kasi nga may gusto akong patunayan. But God is good naman talaga dahil after that failure may nag-open namang bagong opportunity sa akin dito sa GMA,” emosyonal na kuwento ni Sancho.
Tanong namin sa kanya ay kung bakit ngayon lang siya pumasok sa pag-aartista?
“Ang tagal ko na rin pong nagpapaalam kay Mama na, ‘Puwede ko po bang i-try mag-artista?’ Sabi ni Mama, ‘Huwag muna.’ Ang gusto kasi talaga ni Mama is makapagtapos po muna [ng pag-aaral]. Nakapagtapos na po ako ng Culinary Arts sa CCA Manila kaya pumayag na po siya,” sabi ni Sancho.
Ngayong nag-aartista na siya ay pangarap niyang makapag-ipon at makapagpatayo ng sariling restaurant business. Iyon daw talaga ang plano niya para hindi na siya hihingi ng support in terms of financial sa Mama niya.
“Mag-aartista po muna ako, para makapag-ipon ako kasi ‘pag nagtayo po ako ng sarili kong restaurant, gusto ko po sariling pera ko na. Hindi na po ako hihingi kay Mama ng pang-restaurant ko po. Iyon po talaga ang plano ko sa buhay,” paglalahad ni Sancho.
Inusisa rin namin kay Sancho kung boto siya sa boyfriend na kanyang Mama na si Gerald ngayon?
“Para ko pong barkada yung boyfriend ni Mama. Kasi po ang usapan namin ni Mama, as in noon-noon pa po, ‘Kahit sino pa iyan, kahit ano pa iyan, as long as masaya ka, go lang. Susuportahan ka namin.’ Pero pag hindi na siya masaya, that’s the only time na eentrada kami sa lovelife niya. Basta as long as masaya si Mama, susuportahan ko siya. So far, nakikita ko po na masaya si Mama,”sambit pa ni Sancho.

Janno signs up with the Kapatid Network

Ogie and JannoKAPATID SHOWBIZ KONEK- Magkakasamang muli ang magkaibigang Ogie Alcasid at Janno Gibbs sa telebisyon and this time sa bakuran na ng Kapatid network. Kumpirmado na nga ang paglipat ni Janno sa TV5 at nilayasan na nito ang GMA 7 na naging tahanan niya for the longest time.

Matatandaang naunang nag-“ober-da bakod” si Ogie bilang Kapatid star noong 2013 at kasalukuyang mayroon itong shows na ‘Tropa Mo ‘Ko’ at ‘Rising Stars’ na isang talent search kaya nasabi nitong masaya siya sa ‘Happy Network.’

Balitang nakatakdang magsasama sa bagong programang ‘No Harm, No Foul’ sina Janno at Ogie. Isa itong game, musical at variety show na pinagsama kaya asahan ang isang wacky show mula sa dalawang magagaling na singers at komedyante ng showbiz world.
Itinanggi rin ni Ogie ang bali-balitang siya ang nagkumbinsi sa kaibigan na lumipat sa TV5 para magkasama na sila doon. Ikinagulat pa nga raw niya ito at tinawagan lang siya ni Janno two or three days ago kaya niya nalaman ang balita.
Sobrang happy naman siya sa naging desisyon ng kaibigan dahil para na rin niya itong kapatid. At ibinigay naman daw ng GMA ang blessing kay Janno sa ang ginawang paglipat nito kaya alam niyang magiging positibo ang lahat at excited na siya sa mga ibibigay na projects sa kanila.

Samantala, ngayong nasa TV 5 na si Janno, iniintriga rin si Ogie kung may posibilidad daw bang sumunod na rin sa kanya doon ang asawang si Regine Velasquez, ang Asia’s Songbird?
Sa isang interview ay sinagot ito ni Ogie at sinabing hindi raw siya puwedeng magsalita para sa asawa at hindi siya nakikialam sa pagdedesisyon sa career nito bagamat sinusuportahan nila ang isa’t isa.

Leave a comment

Leave a Reply