
James Reid and Nadine Lustre’s tandem is one successful ‘experiment’ from Viva Films
James Reid and Nadine Lustre’s tandem is one successful ‘experiment’ from Viva Films
Kapamilya Star Patrol- Masasabing hindi nagkamali ang Viva Films nang buuin nila ang tambalang Nadine Lustre at James Reid dahil patok sa masa at swak ang chemistry ng dalawa. Maging ang dalawa ay hindi inaasahang magki-klik ang kanilang tambalan.
Nang matanong nga si Nadine kung nag-expect ba siyang mararating ang kasikatang kinalalagyan ngayon sa showbiz, sagot nito… “No, I didn’t expect na yung JaDine magki-click, honestly.
“Kasi para siyang experiment. Gaya ng ‘Diary ng Panget,’ it was a huge experiment. Who would’ve thought na magki-click siya knowing na experiment lang siya?”
Ipinalabas ang ‘Diary ng Panget’ last year at naging blockbuster ito, nasundan din ito ng ‘Talk Back And You’re Dead,’ at ngayon nga ay mayroon silang ‘Para Sa Hopeless Romantic’ kung saan makakasama nila dito sina Julia Barretto at Inigo Pascual.
Si James naman ay produkto ng ‘Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010’ kung saan siya ang tinanghal na Big Winner
“Before I joined Viva [Entertainment], I was hoping to get this far, even further. As in I was like, ‘I’m gonna go all the way this time.’After I lost the fame after PBB, I thought, this time, I’m gonna go all the way.”
And since isa ang tambalang JaDine sa popular loveteams ngayon, hiningan si Nadine ng payo kung ano ang sikreto para magtagal at maging successful ang loveteam nila.
“Be more understanding, be patient, work together. As in magtulungan kayong dalawa kasi wala naman ibang tutulong sa inyo kundi kayo lang, e.”
Hindi rin daw dapat piliting maging mag-sweetheart ang isang magka-loveteam para lang mapaniwala ang mga fans na magka-relasyon na sila.
“Huwag mong pilitin. Just be like really good friends. If they do [end up together], why not? Just don’t let it affect [the working relationship].”
And just last night, sa premiere night ng ‘Para Sa Hopeless Romantic,’ muling pinatunayan nina James at Nadine na mahal na mahal sila ng fans at pumatok ang kanilang pelikula.
From your Philippine Showbiz Republic (PSR) family, congratulations!
[divider]
Pauleen Luna says she sees herself marrying Vic Sotto
KAPUSO CHIKA MINUTE- Panalo ang pilot episode ng bagong teleserye ng GMA 7 na ‘The Rich Man’s Daughter.’ Mukhang exciting ang serye dahil maganda ang istorya at bago ang atake at siguradong mainit na pag-uusapan ang kakaibang relasyon ng dalawang babaeng bida.
Ang isa sa character dito na tiyak na aabangan ay ang role ni Pauleen Luna. Matagal-tagal din bago napanood si Pauleen sa primetime dahil puro afternoon drama ang kanyang nagawa.
“Matagal din akong hindi nakagawa sa primetime ng GMA-7. Parati akong nasa afternoon teleserye, ‘di ba? The last primetime series I did was ‘Dwarfina’ pa in 2011. Tapos puro mga afternoon teleserye ang mga nagawa ko at matagal din akong napahinga sa paggawa ng teleserye.”
“Almost a year na since natapos yung ‘The Borrowed Wife’ kasi sobra akong nagkasakit noon. Ilang beses din akong na-ospital dahil sobra akong na-stress.”
Nasabi rin ni Pauleen na kung ang kanyang boyfriend na si Vic Sotto nga raw ang masusunod ay ayaw na nitong tumanggap siya ng teleserye.
“Noong malaman nga ni Vic na may teleserye ulit ako, siya ang unang nag-react kung bakit ko tinanggap. Noon pa niya sinasabi na huwag na akong magpakapagod sa teleserye dahil hindi ko naman daw kailangan pang gawin iyon. Siyempre sinabi ko na kailangan ko ‘yun, sayang din yung project, ‘di ba? I guess concerned lang siya sa health ko kaya ganoon siya.”
“Sinabi ko naman na maaalagaan ko naman ang sarili ko at happiness ko itong umaarte ako sa TV. Naiintindihan naman ni Vic ‘yon,” kuwento pa nito.
Samantala, hindi naman kaila sa lahat ang mahigit tatlong taon na ang relasyon nila ni Vic at kung ilalarawan niya daw ito ngayon ay masasabi niyang parang isang…
“Roller coaster! Pero naka-land na yung roller coaster namin ngayon. Smooth na parang SCTEX or NLEX na ngayon,” sambit pa ng aktres.
Ibig ba’ng sabihin nito ay sa kasalan na mauuwi ang kanilang relasyon?
“Sana. Napag-uusapan naman na namin. Hindi naman namin dine-deny, but nothing final. We do talk about it.”
Nakikita naman daw niyang sa kasalan na nga ito mauuwi and if ever ay isang simpleng selebrasyon lamang ito para sa kanila at sa malalapit na tao sa kanilang buhay.
“The simplest wedding that can happen, kasi simple lang talaga kaming dalawa.
“Kung kilala niyo kami, we don’t want anything extravagant, nothing flashy, nothing grand,”pahayag pa ni Pauleen.
[divider]
Mark Neumann promises to do his best as ‘Baker King’
KAPATID SHOWBIZ KONEK- Isang kaabang-abang na bagong teleserye ang handog ng TV 5, ang ‘Baker King’ na isang Koreanovela na ngayon ay mayroon ng local adaptation. Matatandaang isang hit ang ‘Baker King’ noong 2010 na tungkol kay Kim Takgu (played by Yoon Shi Yoon), the illegitimate son of the owner of a big food company and his mistress. He has to pass through so many trials before achieving his dream of finding his missing mother and becoming the best baker in Korea.
Una itong ipinalabas sa GMA at ngayon nga ay through TV 5’s Entertainment Head na si Ms. Wilma Galvante kaya nakuha nila ang rights nito.
Si Mark Neumann ang napili para gumanap sa title role and playing his dad and the company president is Raymond Bagatsing, with the newlywed Diana Zubiri as the housemaid who becomes Mark’s mother. Raymond’s legal wife is Jackielou Blanco, with Akihiro Blanco, Nicole Estrada and Malak So as their children. Mark will use the original name in the Korean series, Takgu and his leading ladies are Shaira Mae as Sunshine and Inah Estrada as Eunice. Also in the cast are Yul Servo as the president’s assistant who turns out to be the real dad of Akihiro, Boots Anson Roa as the family’s Korean matriarch Lee Hye Yeong, Joonee Gamboa as the master baker Javier, Allan Paule as the dad of Shaira and Ian de Leon as the protector of Mark.
Aminado si Mark na malaki ang pressure on his part playing the title role.
“I promise to do my best, kami ni Shaira kasi, they call as the ‘Kilig Prince & Princess of TV5,’ so we won’t disappoint the management and also our director, Mac Alejandre, and all the senior co-stars who are supporting us in the show,” sabi pa ng guwapong si Mark.
“Pero kahit may pressure, mas nangingibabaw ‘yung excitement to do this project and to work with our co-stars, like Tita Boots Anson Roa who was our mentor in the acting workshop during ‘Artista Academy.’ I know we will learn so much from them about the craft of acting.”
Nang hingan naman ng reaksyon si Mark tungkol sa pagtatampo ni Vin dahil nga mas higit siyang nabibigyan ng magandang project to think na third runner up lamang siya sa ‘Artista Academy,’ sagot ng binata, “I read the interview with him where he said that, but in the end, sabi niya, he loves that guy, ako raw, at wala siyang tampo sa akin. When we met sa TV5 studio, he hugged me and congratulated me, saying I deserve it and he’s happy for me.
At least, I know he’s not taking it personally against me. I know lahat naman kami, hindi pinababayaan ng TV5,” pahayag pa ni Mark.