
James Reid responses to goodbye-JaDine issue
Bata pa man, pangarap na ni James Reid ang gumanap bilang superhero.
“All actors aspire to do superhero roles and see their heroes come to life,” aniya.
Natupad ang pangarap niyang ito dahil siya ang napiling gumanap sa iconic role ni Pedro Penduko na halaw sa comics novel ng National Artist na si Francisco Coching, Jr. na unang nabasa sa Liwayway Magazine noong 1954.
“I think I can see myself sa Pedro Penduko, just like the artwork na based on me. It looks like fun to play and I can’t be grateful enough,” aniya.
Unang ginampanan ito ni Efren Reyes, Sr. noong 1954, at ni Ramon Zamora noong dekada 70.
Ginawa na rin itong pelikula ng Viva Films na pinagbidahan ni Janno Gibbs sa “Ang Pagbabalik ni Pedro Penduko (1994) at Pedro Penduko, Episode II: The Return of the Comeback (2000).
Naging TV series din ito nang gawin ito ng Dos noong 2007 sa fantaseryeng “Da Adventures of Pedro Penduko” na nagtampok kay Matt Evans.
Kumpara raw sa mga nagawa nang pelikula tungkol sa nabanggit na Pinoy superhero, kakaiba raw ang modernong bersyon nito.
“It will appeal to millennials. It’s a new story. It’s a new beginning and would focus on where he gets his power and I’m happy with it,” bida niya.
Dahil siya ang unang gagawa ng epikong pelikula mula sa serye ng mga Pinoy folk heroes na gagawin ng Epik Studios, aminado siyang nakakaramdam ng pressure.
“I feel the pressure. It’s such an amazing project. I’m super honoured to play a Filipino superhero. I’m trying my best, but I’m not the only one. A lot of actors will be doing big roles and I’m more excited than nervous,” hirit niya.
Bilang paghahanda sa kanyang role at sa mga action sequences, sumabak na sa training si James
“I started training and some martial arts. I have to do the training because I want to be legitimate. I want the fighting scenes to be me. I don’t want to use doubles. It’s going to be very intense,” tsika niya.
Nilinaw naman niya na ang kahit solo launching movie ang Pedro Penduko ay hindi raw naman nangangahulugan na mabubuwag na ang tambalan nila ni Nadine.
Wala rin daw siyang bagong ka-love team dahil may special participation si Nadine sa pelikula bilang Maria Makiling.
Ang “Pedro Penduko: The Legend Returns|” ang unang kolaborasyon ng Epik Studios, Viva Entertainment at Cignal TV na target ipalabas sa huling quarter ng taon.
Ididirehe ito ng award-winning director na si Treb Monteras ng “Respeto.”