May 22, 2025
Jameson: The Cool Guy Who Likes Edgy Roles
Latest Articles

Jameson: The Cool Guy Who Likes Edgy Roles

Mar 10, 2017

Unti-unti nang umaangat ang career ng Hashtag kilig ambassador na si Jameson Blake mula nang manalo siya ng best supporting actor award sa pelikulang “2 Cool 2 Be 4 Gotten” ni Petersen Vargas na nanalo ng best film sa 2016 Cinemaone Originals last year.

“It actually boosted my confidence. Kasi dati, hindi talaga ako confident sa acting kasi wala akong acting workshop, pero with the positive feedbacks and the award, I became more confident and learned to love the craft,” panimula ni Jameson.

 Happy din si Jameson dahil naging daan iyon para dumami ang kanyang mga proyekto sa Kapamilya network.

 “May soap na ako at may mga guesting and I hope na marami pa ang naka-line up,” sambit niya.

Bida na rin siya dahil katambal niya si Loisa Andalio sa “Wansapanataym Presents My Hair Lady” ng Dreamscape Entertainment.

May mapangahas na eksena si Jameson sa “2 Cool 2 Be 4 Gotten” kung saan meron siyang masturbation scene at butt exposure.

2c2b4g-4

“Actually, pinag-usapan naman namin ni Direk Petersen kung paano siya ie-execute. I have trust in him dahil kasama naman siya sa story. Medyo below the belt siya at it was out of my comfort zone but I was able to put it off naman. Sa akin naman, work is work and acting is an art,” paliwanag niya.

Hindi naman isinasara ni Jasmeson ang sarili to do more daring roles.

“Depende sa story at sa director. I would say, I like roles na edgy para mas ma-challenge ako as an actor.”

Thankful din si Jameson sa suporta ng kanyang grupong Hashtags sa kanyang movie.

“They saw the movie noong premiere. Binibiro nga nila ako na kaya raw ako nagkaroon ng award sa movie dahil nag-masturbate raw ako. Pero, grateful ako dahil very supportive sila sa akin,” ani Jameson.

Tungkol naman sa isyu na threatened ang Hashtags sa pagsulpot ng tinitiliang Pinoy Boyband, pinabulaanan niya ito.

“I think, iba naman iyong group nila. Hashtags is a dance group, while theirs is a singing group. It’s inevitable naman dahil artists come and go. Iba naman kasi pag sumasayaw kasi mas nakakakilig siya when it comes to girls, and I don’t think of it as a competition or a rivalry,” esplika niya.

Sa pagpasok naman ng mga bagong miyembro ng Hashtags ng “It’s Showtime”, wala ring tutol si Jameson.

“Well, last year, alam na namin na may plan ang management. Noong una, parang ayaw namin na magpasok pa ng bago. We were the original Hashtags at kumbaga, malaki iyong pinaghirapan naming lahat just to get to concerts and to do an album. But it’s just like entering a new chapter. We meet them all and we don’t feel awkward with one another,” sey niya.

Hindi rin siya naniniwala na matatabunan ng mga bagong miyembro ang original Hashtags.

“We talked about it. Management naman have different plans for all of us. Iyong iba, pokus sa dancing, iyong iba sa hosting. Everyday, iba-iba. May rotation kami,” pagwawakas ni Jameson

 

 

 

Leave a comment