
Real life resembles their respective characters in “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita”
by Rommel Placente
Finally, after almost ten years in showbusiness ay magkakaroon na rin ng serye si Jane Oineza na siya ang bida sa pamamagitan ng bagong serye ng ABS-CBN 2, ang ‘Nasaan Ka Nang Kailangan Kita’, na gumaganap siya rito bilang anak na panganay ni Vina Morales. Kapatid niya rito ang dating kasamahan sa ‘PBB All In’ na si Loisa Andallo.
Nung pareho pang nasa loob ng Bahay ni Kuya sina Jane at Loisa, ay nagkatampuhan sila dahil kay Joshua Garcia na naging housemate din sa PBB House.
Naging malapit kasi sa isa’t isa sina Joshua at Loisa. Subalit unti-unti itong nabago nang maging vocal si Joshua sa pagsasabi na crush niya si Jane at naging malapit din siya rito na naging dahilan para nga magkaroon ng friction sa pagitan nina Jane at Loisa.
Pero ayon kay Jane, tapos na raw ang isyung ‘yun sa kanilang tatlo. Bahagi na lang daw ‘yun ng kanilang nakaraan
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente