May 22, 2025
Janella reacts to Horror Princess title, shares working experience with Maricel
Latest Articles

Janella reacts to Horror Princess title, shares working experience with Maricel

Nov 18, 2019

First time na makatrabaho ni Janella Salvador ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa ultimate horror movie ng taon na “The Heiress.”

Ayon kay Janella, bagamat kinabahan siya nang malamang makakatrabaho niya ang multi-awarded at tinitingalang aktres, mas nanaig daw sa kanya ang pagiging fan nito.

“Hindi na-intimidate, eh. It’s more of na-starstruck akong talaga. Parang akong nag-freeze noong una ko siyang nakita. Hindi ako makagalaw. Sabi ko nga, paano ko siya lalapitan at magha-hi ako?,” kuwento niya.

“Basta nilakasan ko na lang ang loob ko. Sabi ko, hi. Tapos, kinausap na niya ako. She’s very friendly and warm. Tapos noong nasa set na kami, we’re very comfortable with each other na, kasi she has a way of taking away iyong pagiging nervous namin. Mine-make sure niya na comfortable kami and at ease,” dugtong niya.

Aware rin si Janella na ang pelikula niyang “The Heiress” ay inilaan sina sa 2019 MMFF pero hindi ito nakapasok sa magic eight. 

Gayunpaman, kahit daw siya nalungkot, itinuring na lang niyang  ‘blessing in disguise’ ito.

“Actually noong una, akala ko makakapasok siya. Na-excite talaga ako. Kasi iyong isang movie na ginawa ko sa Regal, iyong “Haunted Mansion” was a hit at sa MMFF din siya. Kaya nga, I feel this is a fitting na follow up ko sa MMFF,” pahayag niya.

“Pero, noong hindi siya nakapasok, sinabi ko sa sarili ko na sana mabigyan siya ng magandang playdate at sana masuportahan talaga,” dugtong niya.

Humahataw sa ratings ang kanyang teleseryeng “The Killer Bride” na horror din ang genre at hindi rin siya nababahala kong malinya siya sa ganitong genre.

“I don’t mind at all. Actually, one of the hardest emotions na puwede mong i-portray onscreen is fear. Actually, challenging siya pag pinapanood mo. Kung paano mo ire-register iyong fear sa screen, it’s really a challenge,” paliwanag niya.

Ayaw naman niyang akuin na siya na ang next horror princess.

Sa ngayon, walang permanenteng love team partner si Janella pero ayon sa dalaga, mas preferred daw niya ito.

Sa pagsosolo niya, masaya rin siya  na nabibigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang ibang aktor.

Aminado rin siyang naging malaking challenge sa kanya at sa kanyang karera noon ang pagkakaroon ng ka-love team kung saan nagkaroon siya ng personal attachment dahilan para mag-suffer din ang kanyang  trabaho  at personal na buhay. 

“As much as possible, ayokong magkaroon ng love team. It doesn’t do me any good. Sa nangyari sa akin before, it was like a long patch for me. Naging challenge siya sa personal life ko. Napagdaanan ko talaga siya. At a certain stage of my life, kailangan ko talaga siyang pagdaanan para ngayon mas alam ko na kung ano ang gagawin ko kapag nandoon ako sa situwasyong iyon. I know how to handle my life better. Actually, ganoon naman talaga, minsan  nasa itaas, minsan nasa ibaba. Alam ko na may mga darating pang challenges but it there’s one thing I learned, I have to be prepared kung anuman ang problemang darating,” pagtatapos niya.

Masaya na si Janella sa estado ng kanyang buhay dahil mas nagkakasundo na sila ng kanyang ina at mas naa-appreciate niya ngayon ang kahalagahan ng pamilya.

Hindi rin niya ikinaila na may inspirasyong nagpapasaya sa kanya ngayon sa katauhan ni Markus Paterson.

Pareho raw ang interes nila sa music at ito ang dahilan kung bakit nagtutugma ang kanilang mga personalidad.

Sa  The Heiress, ginagampanan ni  Janella ang role ni Guia, pamangkin ni Luna (Maricel Soriano), isang mambabarang,  na nakatakdang magmana ng kapangyarihang itim ng kanyang tiyahin.

Mula sa produksyon ng Regal Entertainment at sa direksyon ni Frasco Mortiz, kasama rin sa cast sina Sunshine Cruz, McCoy de Leon at Jane de Leon. 

Palabas na ang horror movie event ng taon simula sa Nobyembre 27.

Leave a comment