May 22, 2025
Janella Salvador shouts out loud “Talaga pong napa-Oh! My God! for her first teleserye bida role
Latest Articles T.V. Uncategorized

Janella Salvador shouts out loud “Talaga pong napa-Oh! My God! for her first teleserye bida role

Jan 15, 2015

oghie@ignacio
by Oghie L. Ignacio

Janella-Salvador-wins-Best-New-Female-Personality Overwhelmed si Janella Salvador sa sobrang suporta sa kanya ng ABS-CBN 2 sa pagpasok ng taong 2015. Kung dati’y sumusuporta lang siya sa mga bidang young stars and senior stars sa nilabasan niyang “Be Careful With My Heart” at iba pang shows ng Kapamilya’y binigyan siya ngayon ng napakalaking break ng nasabing istasyon at siya ang pangunahing bida sa teleseryeng “Oh! My G!” na eere na sa telebisyon.

“Super happy po ako ng malaman kong bibigyan nila ‘ko ng malaking teleserye,” bungad ni Janella sa piling movie press kasama na ang Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa grand launching ng kanyang “Oh! My G!” to be aired on January 19, of this year via ABS-CBN 2.

“Hindi ko ini-expect na pagtitiwalaan nila ako. Kaya I’m very thankful po una kay God sa magandang blessing na’to sa akin, sa Kapamilya Network na nag-trust sa akin for this feel good teleserye. At siyempre po sa family namin lalo na sa Mommy ko (Jenine Desiderio) na all out ang support nila sa akin,” sabi pa ng magandang young actress.

Iba talaga kasi ‘pag may itinatagong talento sa pag-arte kahit bata pa, napapansin agad ang kanyang pagiging promising na maaring maging susi para magkapangalan sa larangang napasukan. At ‘yun si Janella na talagang agad na nagpakita ng husay sa pagganap sa unang palabas palang niyang sinuportahan.

“Basta ang sa akin lang po kasi, sinusunod ko kung ano ang sinasabi ng direktor at pinag-aaralan kong mabuti kung ano ‘yung gagawin ko sa eksena. Kasama na rin ‘yung ano…dahil sa tulong din ng mga nakakasama ko nagiging inspirasyon ko ‘yon para pagbutihan ‘yung pagganap ko,” katuwiran pa ng young actress.

Nang dumating sa kanya sa kapapasok pa lang na 2015 ang “Oh! My G!” nga para maging testing ground ng Kapamilya kung may hatak sa televiewers at talagang marami ng followers itong si Janella’y hindi mapagsidlan ng kaligayahan ang young actress maging ang kanyang Mommy’ng si Jennine.

“Talaga pong napa-Oh! My God! ako ng sabihin sa akin at malaman namin ni Mommy na may offer nga ang Kapamilya sa akin na ano…feel good at malaking teleserye at ito na nga po ‘yon,” aniya pa.

Siya na nga at wala ng iba pa ang nakapagpalamlam ng career ng kasabayan niyang si Julia Barretto kaya lalo raw nasadlak ito sa pagkalaos dahil bidang-bida na itong si Janella kumpara sa unang binanggit na young star.

“Hindi naman po,” mabilis niyang sagot. “Pareho lang kaming nabibigyan ng magagandang palabas ng Kapamilya. Hindi ko iniisip ‘yon. Wala pong gano’n. Siguro ano…nagkataon lang na ngayon, ako ang nabigyan ng break. Basta pagbubutihin ko na lang ang aking trabaho para hindi po mawala ang tiwala sa akin ng network na ‘to. Super thanks po talaga sa kanila. Sana suportahan ng manonood itong “Oh! My G!” namin dahil madali silang makakareleyt sa istorya ng palabas namin,” dagdag pahayag pa nito sa aming panayam.

To you Janella from the Philippine Showbiz Republic (psr.ph), break a leg.

Leave a comment

Leave a Reply