May 23, 2025
Janella Salvador talks  of her special bond with Elmo in “Born for You”
Faces and Places Latest Articles T.V.

Janella Salvador talks of her special bond with Elmo in “Born for You”

Jun 16, 2016

Archie liao

by Archie Liao

janellaKumpiyansa ang Kapamilya teen actress na si Janella Salvador na tatanggapin ang tambalan nila ni Elmo Magalona kahit wala silang love angle sa pinakabagong Kapamilya kiligserye na “Born for You” ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.

“Hindi naman kailangang maging kayo para  tanggapin kayo ng mga fans at ng publiko as long as may chemistry kayo”, ayon kay Janella.

Naniniwala rin si Janella na may chemistry sila ng dating Kapuso actor kahit pa in a relationship ito sa kanyang girlfriend: ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Masaya kasi si Janella sa mga feedbacks na natatanggap niya sa ginanap na special screening ng pilot episode ng kanilang teleserye kamakailan kung saan maraming kinilig sa kanilang mga eksena ni Elmo lalo na iyong kinunan sa Shibuya at iba pang tourist spots sa Japan.

born for you posterIdinenay naman ni Janella na nagkaroon sila ng ilangan ni Elmo habang ginagawa nila ang kanilang teleserye.

“Kami  naman ni Elmo, trabaho lang. Kapag work mode, work mode talaga, so wala kaming naging ilangan”, pagtatapat pa niya. “Hindi na rin kami nahirapan, dahil pareho kaming nanggaling from a family of musicians, so iyong love namin for music, iyon ang nag-bond sa amin at dahil  very important component din ang music sa aming teleserye ”, pahabol niya.

Dagdag pa ni Janella, malaki rin ang respeto niya kay Janine pero never na pinag-usapan nila ito ni Elmo sa set.

“Na-meet ko na siya dahil nagkasama na kami sa shoot ng isang shampoo brand na ini-endorso namin pero hindi naman kami close”, aniya.

Wish din ni Janella na suportahan ng mga Marnella (Mario Mortel-Janella Salvador) fans na nabuo sa “Oh! My G!” ang kanilang bagong team-up ni Elmo.

Happy din si Janella na nagkaroon siya ng pagkakataon na maipakita ang talent niya paglalaro ng paborito niyang instrumento sa nasabing teleserye.

“I play ukulele at nagamit ko iyon sa teleserye namin ni Elmo,” sey niya.

janella and elmo with david pomeranzTungkol naman sa mga kissing scenes, hindi pa alam ni Janella kung magkakaroon sila ni Elmo.

“The fact na may mga sumusuporta sa aming love team ni Elmo, malaking bagay na iyon. Tungkol naman sa kissing scene, hindi ko pa napag-iisipan iyon pero feeling ko hindi naman kailangan sa ngayon”, aniya.

Dagdag pa ni Janella, naniniwala rin siya sa destiny.

“Lahat naman ng nangyayari sa atin nakaplano, kung ano at sino iyong nakatakda sa iyo, it’s your destiny pero siyempre lahat naman ng bagay ay pinagtratrabahuhan at mapapasaiyo ito kung sasamahan mo ng prayers”, pagwawakas niya.

Ang “Born for You” ang pinakabagong kiligserye na papalit sa slot na naiwan ng “The Story of Us” sa primetime block.

Powerhouse cast ang “Born for You” na kinabibilangan nina Vina Morales, Ariel Rivera, Ayen-Munji Laurel, Gina Pareno, Freddie Webb, Bernard Palanca, Jimboy Martin, Joj Agpangan, Kyline Alcantara, Francis Magundayao, Ogie Diaz, Neil Coleta, Smokey Manaloto, Katya Santos, DJ Durano, Thou Reyes, Paolo O’hara, Alfred Labatos, Young JV at marami pang iba.

Mapapanood na ito simula sa Hunyo 20 sa Kapamilya primetime block na papalit sa timeslot ng “The Story of Us”.

For  your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

 

Leave a comment

Leave a Reply