May 22, 2025
Janice De Belen mum on the issue linking her to Gerald Anderson
Latest Articles Rodelistic

Janice De Belen mum on the issue linking her to Gerald Anderson

Apr 21, 2015

Rodel
by Rodel Fernando

download Nakakaloka naman ang balitang si Janice de Belen daw ang dahilan ng paghihiwalay nina Maja Salvador at Gerald Anderson. Lumang tugtugin na itong iniuugnay si Janice kay Gerald. Nagsimula kasing mapalapit sa isa’t-isa ang dalawa nang magsama sila sa isang teleserye ng Dos na Budoy. Mag-ina ang kanilang role at humantong sa totoong buhay ang turingan nila bilang anak at magulang. Siyempre, kahit tapos na ang nasabing soap naging close sila sa isa’t-isa at pati mga anak ni Janice ay naging kaibigan si Gerald. Pero iba ang naging dating nito sa mga intrigero’t- intrigera. Binigyan ito ng ibang kulay na kesyo may relasyon daw sila at nakikita raw sina Janice at Gerald na sweet pag magkasama. Sus! Natural na maging sweet sila kasi nga close sila at magkaibigan. Alangan namang pag nagkita sila ay mag-isnaban sila!

Kawawa naman itong si Janice. Nananahimik lang siya pero nagagawan pa ng isyu at kay Gerald pa. Kung tutuusin mas grabe rin ang sweetness ng aktres kay Enchong Dee na itinuring ding ina ng huli. Napalapit lang kay Gerald agad-agad may relasyon na? Ngayong nag-break sina Maja at Gerald, tama ba namang si Janice ang dahilan? Bakit??? Paano kung magka-girlfriend uli si Gerald tapos maghiwalay ulit, si Janice na naman ba ang ituturo? Marami talagang tao ang madudumi ang isip. Sana minsan kapag hindi tiyak o walang katotohanan ay hindi na ginagawan ng isyu.

Tama lang ang ginagawa ngayon ni Janice na manahimik lang sa walang kuwentang isyu na ito. Knowing her, hindi niya kailangang magsasagot-sagot sa isang bagay na alam niyang mapaglalaruan lang siya o pagpipiyestahan. Sa dami ng mga pinagdaanan na niya sa buhay lalo na sa larangan ng pag-ibig ay siguradong natuto na siya. Of course, nasasaktan din siya sa mga isyung kagaya nito, pero kilala naman ng lahat kung paano siya lumaban, manindigan at harapin ng buong tapang ang mga ganitong pangyayari sa kanyang buhay.

janice-gerald-344x344Sa mga walang sawang umiintriga sa kanya, sana naman ang isipin na lang ninyo at puwedeng gawin ay tularan si Janice sa pagiging matapang niya sa pagharap sa buhay na kahit single parent ay pinalaking mabubuti ang kanyang mga anak. Marahil may naiinggit lang siguro sa mabuting ina na ito kaya ginagawan siya ng mga ganitong paninira. Cge, sirain ninyo pa siya. I-link ninyo siya kung kani-kanino para sumaya kayo lalo, pero ewan ko lang kung hanggang saan ang paninira ninyo at kung hanggang saan lang aabot ang kasiyahan ninyo. Pero si Janice isang hindi mapapasubaliang katotohanan sa kanyang buhay ay ang kaligayahang meron siya ngayon. May masayang pamilya, may mariwasang pamumuhay, may magandang career at may peace of mind. Eh yung mga nang- iintriga sa kanya? Meron ba? Eto nga lang wala nang kapayapaan sa puso nila dahil iniisip nila ang makapanakit ng kapwa. Tigilan na sana ang isyung ito at tiyak na sa mga oras na ito ay hiyang-hiya si Gerald at nadadawit ang pangalan ni Janice sa hiwalayan nila ni Maja. At please lang walang dapat ipaliwanag si Janice dahil kaisa kami sa mga maraming nagsasabi at naniniwala na wala silang relasyon ni Gerald. Period!

 

Leave a comment

Leave a Reply