May 22, 2025
Janice de Belen relates her ‘Oh My G’ role on her being a mother of teeners
Latest Articles

Janice de Belen relates her ‘Oh My G’ role on her being a mother of teeners

Jan 14, 2015

Ruben Marasigan

by Ruben Marasigan

Janice-de-Belen-002Sa pagsisimula ng 2015, may pambuwena-manong project kaagad kay Janice de Belen ang ABS-CBN. Ito ay ang morning series na Oh My G kung saan bida si Janella Salvador kasama ang mga leading men nitong sina Marlo Mortel at Manolo Pedrosa.

First time na makatrabaho ni Janice ang tatlong Kapamilya youngstars. How is it working with them naman?

“Bago pa lang, e,” sabi ng aktres. “I don’t think we can say much yet.

“Kumbaga the working relationship is still relatively new. So if they’re trying to feel their way working with us, kami rin naman.

“Pini-feel din namin kung how is it working with their generation. Sa gano’n din… relatively new.”

Sa istorya ng Oh My G, may part na tinatalakay na kapag sobra na ang mga pagsubok na dumarating ng isang tao ay naiisip na nito tuloy na… God is nowhere.

Omg copyLantad sa publiko ang naging buhay at pinagdaanan ni Janice na talagang may part na masalimuot at marami siyang trials na hinarap. Was there a point ba na nasabi rin niya na… God is nowhere?

“Ay, wala naman. Wala namang gano’n.

“But siguro, it’s common I think for anybody who goes through trials na at some point maiisip mo… hindi siguro God is nowhere.

“Pero ‘yong… bakit ako? Or bakit kailangang mangyari, ano ba ang nagawa kong mali?

“I think that’s a more common question.

“At maraming beses ko nang naisip ‘yon. Maraming beses!

“Alam n’yo na!” natawang sabi ni Janice.

“Pero hindi naman ‘yong… God is nowhere. Grabe naman ‘yon!” nangiting diin pa niya.

Natutuwa raw si Janice na maging isa sa cast ng Oh My G. Marami raw matututunan ang mga kabataan sa teleseryeng ito.

“Of course as parents, we play a very big part. Kasi ang gusto mo ‘yong mga values na ini-impart mo sa mga anak mo ay madala nila kahit hindi ka nila kasama, di ba?

“And you know, sa totoong buhay hindi naman natin talaga alam what our children do once they leave the house.

“So we rely on faith na tama ang ginagawa natin na pagtuturo sa kanila. And that they actually do it when we’re not around.

“Kaya may makukuha ang mga parents when they watch this. Oo.

“Spending time with their children. Na… ano ba ang mga dapat gawin ng magulang especially nowadays.

“Kung dati ang kalaban mo lang ay kaibigan o barkada, ngayon ang kalaban mo ay social media… internet. Maraming bagay ka nang kalaban.

“It’s not that simple. So this is how parents should deal with it.”

Mga dalaga na ang anak ni Janice. Ang eldest daughter nga niyang si Ina Estrada na nag-aartista na rin sa ngayon ay may boyfriend na.

Ano ang ibinibigay niyang advice sa kanyang mga anak when it comes to having a relationship?

“Ang ini-impart ko sa kanila… sinasabi ko lang sa kanila to think first. Di ba?

“Na mahirap. At sinasabi ko sa kanila na mag-ingat sila.

“Mag-ingat talaga. And you know, I tell them… na once you hand over your virginity, hinand over mo na ang lisensiya para saktan ka.

“Di ba?

“Kasi totoo. Totoo ‘yon, di ba?

“Aminin!” nangiting pagdidiin pa ni Janice.

“Gano’n ako. I’m really blunt with my kids.

“Kasi wala akong time magpasikot-sikot. Kailangan ibigay mo na ‘yong totoo, huwag na ‘yong… pa-sweet!

“And totoo ‘yon kasi.”

Open naman ako kung suitors o boyfriend nila ang pag-uusapan. Wala naman akong magagawa, di ba?

“You know… hindi ko naman sila maaawat, e. Hindi nga ako naawat ng magulang ko, ako pa ang aawat sa kanila?” natawang katwiran pa ng aktres.

“Para naman akong walang believability sa puntong ‘yon.

“So… basta sinasabi ko na lang na mag-ingat. Na kailangan huwag ibigay ang lahat.”

Does she discuss these things concerning her daughters with John Estrada na ama ng mga ito?

“Oo. Oo naman.”

Ano ang nasasabi sa kanya ng aktor kapag nag-uusap sila?

“Hindi naman kasi sa akin manggagaling ‘yong mga bagay na gano’n. Like ‘yong kung magka-boyfriend sila.

“Dapat sa mga anak ko mismo manggaling ang pagsasabi sa daddy nila. Hindi ko sila puwedeng pangunahan.”

Paano ba ang relationship niya sa mga anak niya? Nanay na kaibigan din, parang gano’n?

“Kahit kaibiganin mo sila, ‘yong sa pagiging magkaibigan ninyo kailangang alam pa rin nila na ikaw ang nanay nila.

“Pero kasi you see me with my children, if you’ll hear us kunyari nasa labas kami at nagkukuwentuhan kami, like I said I’m very blunt and I’m very open.

“Puwede naman nilang sabihin… they are allowed to speak their minds. Whatever it may be, they are allowed to speak their minds.

“Pero kapag lumalampas sila do’n sa linyang hindi nila dapat na i-cross, I tell them… excuse me, nanay!”

Marami ang bilib ke Janice. Napalaki niya ang kanyang mga anak nang maayos sa kabila ng paghihiwalay nila ni John.

 

Leave a comment

Leave a Reply