Janice de Belen speaks through her experience in guiding her teeners
Mga dalaga na ngayon ang mga anak ni Janice de Belen. Ang eldest daughter niyang si Inah Estrada ay may boyfriend na.
Okey lang naman daw ito sa aktres. Basta ang lagi lang daw paalala niya sa mga ito ay mag-ingat sa pakikipagrelasyon at huwag munang ibibigay lahat.
“When you say ibigay ang lahat, kasi ako… well, record holder ako sa kapag umibig parang iyon na lang ang mundo,” aniya.
“Ako, iyon ang sinasabi ko sa kanila… it doesn’t necessarily mean always about sex. It’s not always about that.
“Of course siyempre, kailangan i-educate mo sila about sex. But, uhm… it’s not always about that.
“Huwag kang ano… huwag kang pa-alipin sa pag-ibig. Huwag sundin ang lahat.
“Huwag mong ibase ang mundo mo sa kung ano ang gusto ng lalake. Dapat kung ano ‘yong gusto mo.
“Kasi, you’re a separate entity. It should always be like that.”
May pahayag ang ex-husband niyang si John Estrada na bawal pa raw makipag-kissing scene si Inah. Pero si Janice, okey lang kaya rito?
“Siguro kasi pagdating diyan mas ano ako nang konti… I think I’m more liberal. Because when you’re chosen to do a job, bilang artista, may mga hinihingi ang trabaho natin na mga ganyan na kissing scene.
“E like I said… I can only practice what I can be credible about. Kami ni John, siguro magkaiba kami ng views sa mga bagay-bagay.”
Okey lang ba sa kanya kung halimbawa, makumbinse si Inah na mag-pose nang sexy sa isang men’s magazine?
“Hindi naman niya kailangang gawin ‘yon. ‘Yong mga bagay na iyon, ang sabi ko… hindi mo kailangang gawin ‘yan.”
May mga nagiging talks ba sila o kaya ay mga nasasabi ba siyang advice ngayong may boyfriend na nga ang eldest daughter niyang si Inah?
“Hindi kailangan ng talk ‘yong gano’ng bagay. Actually hindi kasi ako naniniwala sa… ‘yong isi-set aside mo, itu-talk mo para sabihan ng mga gano’ng bagay.
“Not incorporated into their daily lives. Minsan, the best time I believe to talk about serious things is when we’re eating out.
“Kapag magkakasama kaming lumabas, nagkukuwentuhan kami. I’m very open to hearing them speak their minds.
“Kasi if you do not allow them speak their minds, they will never know what it is they’re thinking. Or kung ano ‘yong mga belief nila sa mga bagay-bagay.
“So sa akin, mas gusto kong naririnig kahit na ano. Kung ano ang tingin niya sa ganitong bagay o kung ano ang views niya sa ganyan.
“At least alam ko kung ano ang nasa isip nila, di ba? So our discussion starts from there.”
Naiisip ba niya na baka soon ay gugustuhin na rin ni Inah na mag-asawa?
“Naku… ‘no? Ang bata pa niya para mag-asawa!
“Sinasabi ko lagi sa mga anak ko… I-enjoy n’yo ‘yong kabataan ninyo. Kasi hindi na babalik ‘yan.
“Kapag na-lost, lost na ‘yan. Wala na.”
It’s a good thing na nag-uusap na sila ngayon ni John, di ba?
“Oo. It’s a good thing.
“Alam mo, open naman ako sa gano’n. Kaya lang ayoko kasi ng ano… hindi ‘yong pinipilit ang isang bagay.
“It should just happen.
“And okey naman kami. Kung may kailangan naman akong sabihin sa kanya, naididiretso ko naman iyon sa kanya.”
Unlike before na parang may mga hinu-hold pa siya?
“Hindi naman ako naghu-hold. Sinasabi ko naman parati.
“Kaya lang sa ngayon it’s more… it’s a better relationship. Kasi nag-uusap kami.
“Ang importante, nag-uusap kami.”
Dahil okey na sila ni John, puwede na siguro silang magsama sa isang show o project?
“Uhm… iyon ang mahirap. And it’s not a personal thing, ha!
“Kaya lang, mahirap. Kasi ‘pag magkasama kami… supposing maging magkasama kami sa isang show o kahit sa isang movie, pag-uusapan ‘yan.
“May asawa siya. I do not ever want anybody to feel uncomfortable of my presence.”
Bakit naman? Trabaho lang naman iyon na dapat maintindihan ng asawa ni John ngayon na si Priscilla Meirelles?
“Kahit na. Asawa niya ‘yon, e.”
Nauna naman siyang naging misis ni John, di ba?
“It doesn’t matter. Hindi ito pelikula!” sabay tawa ulit ni Janice.
Hindi sila close ni Priscilla?
“Hindi kami close. Pero… hindi naman kami magkagalit.”
May chance ba na maging magkaibigan sila. Kasi close ang mga anak nila ni John sa Brazilian beauty queen-turned-actress?
“It’s kind of weird maybe on her part na maging close sa akin. Pero… like I said, hindi lahat ng relationship naipipilit.
“Okey na siguro ‘yong nag-uusap kami. Oo.
“Pero ‘yong maging close… parang medyo weird na ‘yon.”
Si Aga Muhlach na ama ng kanyang panganay na si Luigi, okey lang na magsama sila sa isang project kung sakali?
“Oo. Siguro.”
Si Gabby Concepcion na naging ka-loveteam at boyfriend din niya noon?
“Naku, naman, nagtrabaho na kami ni Gabby ng ilang beses!
“Actually si Gabby yata ang pinakamaraming beses kong nakatrabaho.
“And… okey. Wala kaming problema ni Gabby.”
Kung sa mga panahong darating ay may guy na mag-offer sa kanya ng kasal will she be willing to accept such proposal?
“Kasal? Hindi na siguro.
“Hindi na!
“Alam mo, sa tagal ko kasing single… I think I have become selfish. Selfish in terms of… kasi ngayon nagagawa ko ang gusto ko.
“Na… nakakaalis ako kung anong oras ko gusto. Nakakauwi ako ng kung anong oras ko gusto.
“Hindi ko kailangang mag-text na… wala akong pinapaalaman. Di ba?
“Feeling ko masyado na akong nasanay sa gano’n. Nasanay na ako na nagdedesisyon mag-isa para sa sarili ko para sa kahit na ano.
“I think sa puntong iyon, I have become selfish. Hindi ko na ata kayang mag-submit or…”
Pero kung boyfriend-boyfriend, okey lang?
“Hindi ko rin alam, e. Hindi ko talaga alam.
“It’s so weird kasi… hindi ko talaga alam!” nangiting muli si Janice.
So celibate na lang siya, gano’n?
“Gano’n talaga ang buhay!” tawa na naman niya.
Pero sakali ngang may manligaw nga sa kanya, mas gusto ba niya ‘yong kasing-edad o mas matanda sa kanya o puwede rin ‘yong younger guys?
“Pramis… hindi ko talaga alam!
“Kasi I cannot see it for sure, e. I do not know.
“I don’t know how I’ll feel kung sino ang magugustuhan ko. Hindi ko alam alam talaga.”
Si Janice pala ang unang kinonsider para sa Flordeliza. Ito ay ayon na rin sa director na si Wenn Deramas.
“Oo. Pero naka-commit na nga ako sa sa Oh MY G,” pagtukoy niya sa bago niyang soap kung saan bida sina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Manolo Pedrosa.