
Janice de Belen on her weight loss
by Rodel Fernando
Ang laki ng ipinayat ni Janice de Belen. Ito ang ikinagulat ng lahat nang bumungad siya sa presscon kamakailan ng bagong morning series ng ABS-CBN na Oh My G.
Natatawang sabi nga ni Janice nang usisain ng press, kahit naman daw siya ay nagulat din. Nag-start daw ang kanyang pagpayat nang maglipat siya ng bahay.
“Napagod ako sa paglilipat ng bahay. Kasi kapag naglipat ka ng bahay very busy ka, di ba?”
Kung ang marami ay naggi-gain ng timbang kapag panahon ng Holiday Season, kabaligtaran naman si Janice dahil pumayat nga siya.
Pero pagdidiin ng aktres, may conscious effort din daw sa nangyaring pagpayat niya. Kahit maraming handaan at masarap kumain, dapat may control daw talaga.
“I still have more to achieve,” sabi pa niya patungkol sa paglu-lose ng weight.
“So naglipat ako ng bahay no’ng June, I suppose… kasi aksidente lang ang nangyari sa umpisa.
“Aksidente lang talaga. Naging busy lang talaga ako sa paglilipat.
“So… pumayat. E di ituloy na natin. Nag-start, e.”
May mga naghihinala naman na baka may bago na siyang lovelife kaya nagpapayat siya.
“Wala. Bagong gupit lang ako!” nangiting reaksiyon ni Janice.
Kasabihan din, kapag nagpagupit o nagpaikli ng buhok ang isang babae ay may pinagdadaanan?
“Hindi… well, siguro totoo ‘yon. Kasi nangyari na rin sa akin ‘yon in the past.
“But ito, ako I just thought na… ang tagal ko nang mahaba ang buhok. Nakakasawa din.”
Single pa rin siya hanggang ngayon.
“Matagal na!” sabi ni Janice.
“Ang tagal ko nang single. Pitong taon na yata.”
Ayaw pa rin niyang pumasok ulit sa relationship.
“Hindi naman. Hindi ko lang siya naiisip.
“And I believe it’s true. Kasi may nagsabi sa akin na ‘yang mga ganyang bagay, hindi iyan minamadali.
“It’s a vibe that we send to the universe if we are ready. Apparantely, hindi ko ata na-send ng vibe!”
Wala bang nagpaparamdam o umaaligid sa kanya ngayon?
“Baka hindi ko napapansin!” nangiting biro ni Janice.
“I really believe it’s a vibe itself.”
Kahit date, wala?
“It’s not that easy, ha!
“Kasi kapag inisip mo ngayon… papano ba nag-uumpisa ang date? Ano ba ang nagaganap sa date?
“So I don’t also know.”
‘Yon na!
_____________________________________________________________________________________________________________________
Alden Richards seems losing appetite being interviewed
May ilang miyembro ng entertainment media ang nagtataka kung bakit lately ay parang kinatatamaran na ni Alden Richard na magpa-interview. Dati kasi, ang dali niyang i-approach kung sandaling panayam lang naman ang ilalambing mo sa kanya.
Ngayon daw, kapag may gustong mag-interview, sasagot daw ang aktor ng oo. Papahintayin ang reporter.
Tapos biglang tatakas na. Kaya ang reporter, hindi alam na wala na pala siyang hinihintay pa.
Puring-uri pa naman ng press si Alden dati dahil sa pagiging mabait at accommodating niya . Tapos ngayon, biglang may ibang attitude na siya.
Kaya may press people na nadi-disappoint sa kanya. Puwede naman daw niyang sabihin sa reporter na gustong mag-interview na nagmamadali siya.
Hindi ‘yong sasabihin niya, oo. Tapos biglang tatakasan ang reporter na nganga sa paghihintay sa kanya.
Naku, ha!
Follow me…
Rodel Ocampo
@rodeliciousdel
/rodelfernando