May 23, 2025
Janine Gutierrez denies split with Elmo Magalona
Home Page Slider Latest Articles

Janine Gutierrez denies split with Elmo Magalona

Apr 8, 2016

Archie liao

by Archie Liao

janine gutierrez
Photo sent by Archie Liao

Mula nang mag-ober da bakod si Elmo Magalona mula GMA-7 papuntang ABS-CBN ay pumutok na ang balitang nagkakamalabuan na sila ng kanyang sweetheart na si Janine Gutierrez. Lalo pang umigting ito lalo na’t itinambal ang singer-actor sa Kapamilya actress na si Janella Salvador na ang tambalan ay malapit nang mapanood sa teleseryeng “Born for You” ng

Dreamscape Entertainment sa Dos.

Katunayan, may mga tagasubaybay ngang nako-confuse kung ano na talaga ang ibig sabihin ng JanElmo: Janine-Elmo ba o Janella-Elmo. Sa presscon ng Sinag Maynila, idinenay ni Janine na split na sila ni Elmo.

May communication pa ba kayo ni Elmo mula nang lumipat siya sa Dos?

“Opo”, pakli niya.

Ano’ng masasabi mo sa tambalan nila ni Janella?

“I’m really happy for him. It does not matter kung sino ang kapartner niya o kung nasaan siyang network naroon. Basta ako, all-out ang support ko sa kanya. Happy ako sa dami ng mga projects niya. He’s also very excited sa mga projects niya kaya he’s working hard”, paliwanag niya. Ayaw namang sagutin ni Janine kung natatakot ba siya na baka maagaw ni Janella ang atensyon ni Elmo.

“Basta pag-usapan na lang po natin ang tungkol sa “Lila”, pag-iwas niya. Proud na ibinalita ni Janine na first movie niya ang “Lila”. Second lamang ang “Buy Now, Die Later” na naunang ipinalabas sa 2015 MMFF.

“Excited po ako dahil first time kong makatrabaho si Enchong na taga-kabilang network. Iyong pangarap ko na makatrabaho ang mga artista sa kabila, natupad po dito sa “Lila”, aniya. First lead role mo sa pelikula ang “Lila”. Aware ka ba na napakalaki ng expectations sa iyo ng mga tao dahil anak ka ng magaling na aktres na si Lotlot de Leon at apo ng Superstar na si Nora Aunor?

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

“Iyon nga po. Nakaka-pressure po. Mahirap pong ikumpara sa akin iyong naging achievements ng Mommy ko at ng Lola ko. Ako naman po, pinagbubuti ko po kung anumang trabaho ang ibigay sa akin”,pahayag niya. Isang madugong Janine raw ang mapapanood dito sa “Lila”. Bakit, madugo?

“Parang namang literal siya. Kasi, psychological thriller ang pelikula. Merong habulan, gulatan. Nahirapan din po ako dahil talagang inaral ko iyong role ko bilang isang babaeng may dark past.It’s actually a mix of different genres din. Hindi lang siya suspense o horror. A lot of ideas are left for the audience to figure out at pag-iisipin ka talaga”, sey niya. Masaya rin si Janine sa pag-aalalay ni Enchong sa kanya bilang isang baguhan.

“Super bait po ni Enchong. Tinutulungan at inaalalayan talaga niya ang mga artistang tulad ko. Super saya lang ng vibe sa set”, kuwento niya. Proud din si Janine na makatrabaho ang isa sa pinakaguwapo at pinakabatang director sa local showbiz na si Gino Santos. “Napanood ko ang kanyang #Y at nagustuhan ko siya. Very youth-oriented siya at marami kang

lessons na matututuhan”, pagwawakas ni Janine.

Kabituin ni Janine sina Enchong Dee, Sherry Lara, Miggs Cuaderno, Kate Alejandrino at

Socrates Jose sa “Lila” ni Gino Santos na nakilala sa mga obrang “The Animals”, “#Y”, “Island

of Dreams” at “Ex With Benefits”.

Ang “Lila” ay kalahok sa 2nd Sinag Maynila Film Festival at mapapanood sa piling SM Cinemas

mula Abril 21 hanggang 26.

Maliban sa “Lila”, si Janine ay nakatakdang mapanood sa “Once Again”, ang Kapuso

teleseryeng pagtatambalan nila ni Aljur Abrenica na may entry din sa 2nd Sinag Maynila Film

Festival.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com

Leave a comment

Leave a Reply