
Janine Gutierrez is ready to step out of her parents’ shadow
by Ruben Marasigan
Hindi itinatanggi ni Janine Gutierrez na nakakaramdam siya ng pressure ngayong nagsimula nang umere ang pinagbibidahan niyang morning series sa GMA 7. Ito ay ang ‘Dangwa’ kung saan leading men niya sina Mark Herras at ang nagbabalik na ‘prodigal son’ ng Siyete na si Aljur Abrenica.
“Siyempre nakaka-pressure din po,” aniya sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). “Kahit ano namang project na ibigay sa ‘yo, it comes with a certain sense of responsibility na pinagkatiwalaan ka sa isang show. So, yes, I could feel the pressure. Pero ipinagdadasal ko na lang po at saka mas excited ako,” bulalas ni Janine.
After ng remake ng ‘Villa Quintana,’ hindi ba siya nalulungkot ng pansamantalang binuwag ng GMA ang tambalan nila ng real life boyfriend niyang si Elmo Magalona?
“Noong umpisa po, nalungkot din po ako. Kasi with Elmo, comfortable na ako sa kanya dahil kilalang-kilala na namin ang isa’t-isa. But as artists, we feel we should also be open to work with other actors. Hopefully, magkatrabaho ulit kami in the future,” pagtatapat ng magandang tisay na aktres.
How are you able to adjust na iba na ang kapareha mo this time? “Nakita ko na nakakakilig at saka nakakatawa talaga ‘yung kuwento ng ‘Dangwa’ so I am happy na sa akin napunta ang proyektong ito. Regardless kung sino man ang ipareha nila sa akin, okay po sa akin. And when I’ve found out it’s going to be Mark and Aljur, mas masaya po ako.”
First time niyang makatrabaho sina Mark at Aljur. How was it working with the them?
“Okay naman po. Pareho naman po silang mabait at saka magaling umarte kaya magaan lang po kami sa set.”
Kanino siya mas at ease?
“Si Kuya Mark kasi matagal ko nang kakilala. So agad-agad wala na akong parang iniisip. Kasi, parang bata pa lang ako nakikita-kita ko na siya, e. So… ‘yon!”
Kay Aljur ba nailang siya noong first taping day nila?
“Hindi naman, actually. Wala namang nakakailang kasi since magaan nga lang yung project, hindi naman siya super-drama gaya nung ibang ginawa ko in the past. Aljur’s a really nice guy naman kaya click din agad kami.”
What’s your character like dito sa ‘Dangwa’?
“Ang character ko po kasi na si Rosa, para siyang angel cupid na napadpad sa ‘Dangwa’ para tulungan ‘yung mga single na makahanap ng lovelife at ‘yung mga may kailangang ayusin sa pag-ibig. So it’s such a fresh role kaya nandun yung challenge.”
Magkakaroon ba sila ng kissing scene ni Mark o ni Aljur sa show?
“Hindi ko pa po alam. Wala pa naman pong sinasabi.”
Kung sakaling meron ba, ready naman siya?
“Tingnan po natin!” nangiting sabi ni Janine. “Abangan na lang natin.
“Siguro surprise na lang kung meron. Let’s see.”
Kailangan pa ba niyang magpaalam kay Elmo kung sakaling may kissing scenes siya?
“Maybe I would mention that to him in passing. But as an actor himself, I know he would understand that it’s just going to be just part of the job. And he wouldn’t consider it a big deal.”
Kampante naman daw siya na maiengganyo ang televiewers na titukan ang ‘Dangwa.’
“The stories kasi are nice, e. At saka hindi lang naman po kami (nina Mark at Aljur), parang every week meron kaming iba’t ibang guests na dapat nilang pakaabangan. Tapos meron din silang lovestory. So madami po ‘yun, parang may kanya-kanyang kuwento.”
Ano ang feeling mo ngayon na nagbibida ka na at gumagawa ka na ng sarili mong pangalan?
“What people don’t realize is, mahirap din makilala ka ng dahil anak ka ni so and so. Don’t get me wrong, I am proud of my showbiz lineage. But more than anything, siyempre, gusto ko rin gumawa ng sarili kong pangalan sa industriyang ito. So ngayon na I am slowly making a name, I know my parents and relatives are proud of whatever it is that I may have achieved. My goal is to slowly but surely move out of my parents’ shadow. I want to be known as Janine,” pagtatapos nito.