May 24, 2025
Janine Gutierrez remains a Kapuso
Latest Articles

Janine Gutierrez remains a Kapuso

Oct 25, 2017

Totoo ang napapabalita na hindi lilipat ng ibang network si Janine Gutierrez dahil mananatili siyang Kapuso star. Kahapon, October 24 ay pumirma siyang muli ng kontrata sa GMA Network.

Present sa pagpirma niya ng kontrata sina GMA Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Rasonable, SVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara (GMAAC) at ang kaniyang talent manager Leo Dominguez.

received_10211955305252582

Ayon nga sa dalaga sa isang interview sa kanya ng GMA News ay walang lipatang magaganap. Tiyak na matutuwa ang mga loyal at solid Kapuso na nagmamahal at sumusubaybay sa aktres.

“Hindi po totoo ‘yon. Tsismis lang po siguro iyon. Pero we have always been in talks about the contract. I’m happy na pinagkatiwalaan uli ako ng GMA, “ sabi niya.

Samantala, bago pa man mapanood si Janine sa mga susunod niyang proyekto sa GMA ay marami nang nag-aabang sa kaniya sa horror film na Spirit of the Glass 2: The Haunted na ipapalabas na sa November 1.

Sa kuwento ng dalaga sa nakaraang presscon ng movie ay siguradong marami raw ang matatakot at magugulat sa kanilang pelikula kaya naman huwag na huwag daw itong palampasin.

fb_img_1506598152820

Bukod sa kaniya, tampok din sa pelikula sina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, Benjamin Alves, Maxine Medina at marami pang iba. Ang pelikula ay sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

Leave a comment