
Jasmine Curtis confirms break up with Sam Concepcion
Kumpirmadong break na sina Jasmine Curtis at Sam Concepcion. Ang una ang nagdesisyon na makipaghiwalay na sa huli. Ang dahilan daw kasi nito ay hindi nag-e-effort si Sam na maging malapit sa kanyang Ate Anne. Hindi nga kasi boto si Anne kay Sam para sa kanya. Ang gustong mangyari ni Jasmine ay gumawa ng paraan si Sam para mapalapit sa kapatid para magustuhan siya nito, pero hindi naman ginagawa ng singer/actor na naging dahilan nga raw para makipaghiwalay na siya rito.
Mali nga naman kasi itong si Sam. Dapat ay maging malapit din siya o mahalin niya ang mga taong nasa paligid ni Jasmine, lalo na ang kanyang pamilya, di ba? Ganoon naman talaga ang dapat.
Pero ayon naman sa isang nakausap namin, binanggit nitong galing naman sa mabuti at edukadong pamilya si Sam at well-mannered.
So, kayo na ang bahalang humusga.
[su_divider]____[/su_divider]
Pagkatapos ni Sen. Bong Revilla, ang kaibigan naman niyang si Sen. Jinggoy Estrada ang pina-freeze ng Sandiganbayan ang tinatayang 180 milyong halaga ng mga ari-arian nito, dahil din sa kasong graft at plunder na kinakaharap nito kaugnay ng multi-bilyong pork barrel scam.
Ang mga ari-arian ng nasabing senador na pina-freeze ay hindi bababa sa sampung residential condo unit, lote at town house sa San Juan City at Tagaytay City. Kasama rin ang ilang agricultural land at bank accounts ni Sen. Jinggoy.
Katatapos lang mag-celebrate ng kanyang kaarawan si Sen. Jinggoy na naging masaya naman siya dahil nakapiling niya ang buong pamilya at mga malalapit na kaibigan, tapos ganito naman ang kasunod. Parang pahabol na hindi magandang birthday gift sa kanya ng Sandiganbayan ang naging desisyon nila.
Speaking of Sen. Bong, lumabas pala siya sa kulungan nitong nakaraang Valentine’s Day, February 14. Pero hindi para makasama ang misis niyang si Congw. Lani Mercado para mag-date sila. Ang dahilan ay nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib at pagtaas ng presyon nito kung kaya isinugot ito sa PNP General Hospital. Tumagal lamang ng 20 hanggang 30 minuto si Sen. Bong sa hospital at agad din itong binalik sa kanyang detention cell. Sa ngayon ay maayos na ulit ang kalagayan ng senador.
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente