May 22, 2025
Jasmine Curtis-Smith does her first controversial screen kiss in “Baka Bukas”
Latest Articles

Jasmine Curtis-Smith does her first controversial screen kiss in “Baka Bukas”

Feb 28, 2017

Sa kanyang entire career, never pang nagkaroon ng kissing scene si Jasmine Curtis-Smith sa kanyang leading men.

Para sa kanya, choice niya raw ito.

“Ever since, bawal talaga. Off limits talaga. Nag-start kasi ako sa showbiz sa trabaho ko noong high school, so may restrictions talaga, hanggang nakasanayan na. Siguro pag bata ka, may mga bagay na gusto mong protektahan,” paliwanag nya.

Hindi naman naniniwala si Jasmine na nalilimitahan ang pagiging artista niya sa desisyon niyang ito.

“Kissing naman is not acting. It’s more of an expression of an emotion,” pakli niya.

Pero, wala raw namang nakikitang masama si Jasmine sa kiss.

Katunayan, pumayag siyang magkaroon ng kissing scene kay Louise de los Reyes sa “Baka Bukas” kung saan lesbian ang kanyang role.

“I think, kailangan lang nating maging open-minded. Bakit kapag nakakita tayo ng babae at lalake na nagki-kiss, sobrang okey lang. Bakit kapag babae sa babae, ang tingin natin ay pangit. Love is love and there should be no boundaries. Besides, iyong kissing scene naman in the movie is tender and out of love. I want to a part of a movement for them to be represented. For people to be open-minded na hindi sila hinuhusgahan,” aniya.

Ayon pa kay Jasmine, tinanggap niya ang proyekto dahil gusto niyang magkaroon ng representation ang mga lesbian sa community.

 “I think, this is one step further for us to accept them and realize their roles in the community without discrimination. Gays are now being recognized, so why not lesbians? We need to make people comfortable (with it), make it normal,” giit niya.

Hindi rin sila nagkaroon ng ilangan ng co-star niyang si Louise sa paggawa ng kontrobersyal na eksena.

baka-bukas-20

“Malinaw kasi from the start kung ano ang mensahe that we want to deliver. So, in that direction, lahat talaga were directly involved and focused, because majority are part of the LGBT community,” sey niya.

Masaya rin si Jasmine dahil ang kanyang role bilang Alex sa “Baka Bukas” ang nagpanalo sa kanya bilang best actress sa ika-12 edisyon ng Cinema One Originals film fest last year.

Ito ang kanyang ikalawang acting award pagkatapos niyang manalo ng best supporting actress sa Cinemalaya para sa pelikulang “Transit” ni Hannah Espia na naging official entry ng bansa noon sa Oscars.

“Gusto kong malibot ang iba pang maliliit na film festivals at makagawa ng mga makabuluhang pelikula. So far, nag-Cinemalaya na ako, nag-Cine Filipino at heto ngang Cinemaone,” bulalas niya.

Ang kanyang pelikulang “Baka Bukas” na idinirehe ni Samantha Lee at idinistribute ng Star Cinema ay magkakaroon ng regular theatrical run sa buong bansa simula sa Marso 1.

Leave a comment