May 23, 2025
Jasmine refuses to rank among casts of WATTPAD PRESENTS “A House Full of Hunks”
Latest Articles

Jasmine refuses to rank among casts of WATTPAD PRESENTS “A House Full of Hunks”

Feb 6, 2015

roldan@castro
by Roldan Castro

jasmine-curtissmith-adjusts-well-in-showbiz-400x252Tuloy-tuloy pa rin ang pagba-bash kay Jasmine Smith-Curtis dahil sa pagkakasangkot niya sa Daniel Padilla audio scandal. Dumating nga sa point na ang sister niyang si Anne Curtis ang sumasagot at nag-rescue sa kanya sa social media.

“I think it’s unfortunate kasi bagong taon na. I hope na sana magbago ang ihip ng hangin. Siguro mas natatagalan lang sila on how to move-on pero okey lang ‘yun kasi…wala, eh, hindi ko na rin iniintindi kasi nakaka-ano lang kapag masyado mong ina-absorb ‘yung mga negative comments, negative tweets to you, sisirain mo lang ang araw mo.Parang bahala kayo. Hindi ko naman pinapalaki ‘yung isyu,” reaksyon ni Jasmine nang makatsikahan siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa presscon ng “WATTPAD PRESENTS “A House Full of Hunks”.

Offensive para sa kanya ‘yun panghuhusga ng mga bashers pero may mga tao raw talaga na ayaw sa kanya kaya okey lang. Kapag dumating na sa point na pamilya na niya ang sangkot ay dun na siya papalag.

“Kung ayaw mo sa akin, ako na lang tirahin mo, di ba? ‘Wag na pati pamilya pa,” deklara niya.

Hindi naman daw siya na-trauma sa Daniel Padilla scandal pero naging aware lang siya kung ano ang perception ng ibang tao sa friendship at mapanatili ‘yung trust ng audience at makita nila na inosente siya sa situwasyon.

WATTPAD PRESENTS “A House Full of Hunks

jasmin copy2Samantala, sinisigurado naman ni Jasmine na hindi magseselos ang boyfriend niyang si Sam Concepcion dahil napapaligiran siya ng hunks para sa WATTPAD PRESENTS “A House Full of Hunks” na magsisimula sa Lunes, 9PM sa TV5.

May topless scene pa sina Vin Abrenica, Charlie Sutcliffe, Sandino Martin, John Spainhour at Albie Casino na ibinabato kay Jasmine ang mga shirts nila.

“Wala pong selos kasi work naman,eh,” bulalas ng dalaga na hangga’t maari hindi nila hinahalo ang personal sa trabaho nila.

“Natatawa ako kasi puro lalaki ang kasama ko. Baka wala akong makausap kasi siyempre ang mga lalaki pag pinagsama-sama mo, may sariling mundo ‘yan,” reaksyon pa niya.

Sa taping, kadalasan ‘yung mga lalaki lang daw ang naguusap-usap, siya ay pahinga lang. Nirerespeto rin naman nila ‘yung time niya na makapagpahinga kahit hindi siya makipag-hang-out sa kanila. Talagang tinutulog na lang daw niya pag walang scene dahil sunod-sunod din ang work niya that time.

Ayaw sagutin ni Jasmine kung sino ang bet niya sa lima kung sakaling wala si Sam sa buhay niya. Ayaw rin niyang mamili kung sino ang pinakamaganda ang katawan sa lima.

“Huwag naman tayong mag-ranking,” pakiusap niya kung sino ang nasa 1 to 5. “Nakaka-hurt ‘yun,’ dagdag pa niya.

Ang best quality daw raw ni John ay ‘yung eyes niya, si Charlie naman ay nakahawa raw ‘pag tumawa. Si Albie ay kapag nawawala ‘yung mata pag nagi-smile. Nakaka-entertain daw na tingnan. Si Vin naman daw ay ‘yung way kung paano magsalita at si Sandino ay very charming quiet guy.

Actually, sobrang awkward niya sa mga lalaki nu’ng kabataan niya dahil nag-aral siya sa all girls grade school sa St.Paul College, Pasig. Siya raw yung tipong sa subdivision nila sa Mandaluyong before ay nahihiya siya sa mga kapitbahay nilang lalaki, ‘pag nasa liga hanggang palakpakan lang siya at nasa isang side lang ng court. Pero nu’ng high school naging open naman siya na makipagkaibigan sa mga guys pero feeling niya ay may limitasyon. Mas okey na raw ang communication niya ngayon sa mga guys lalo na’t artista siya.

“Naku, hindi ko talaga ma-imagine na nasa isang bahay na puro lalaki lang. Ang hirap naman po ‘yun for me,” sey pa ni Jasmine.

Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply