May 23, 2025
Jay Manalo says he’s a changed man
Latest Articles

Jay Manalo says he’s a changed man

Mar 22, 2017

May bad boy image si Jay Manalo pero ayon sa actor, good guy na raw siya.

Tapos na raw iyong mga araw ng kanyang pambababae at maging sa sugal daw ay wala na rin sa sistema nya.

Maligaya na kasi siya sa estado ng kanyang buhay sa piling ng kanyang non-showbiz partner at mga anak.

“Ngayon, nako-control ko na. ‘Pagka may ganoong lumalapit na babae, iniisip ko na lang na tagahanga ko siya. Kapag nahahalata ko na may flirting, ako na ang umiiwas. Kasi, nagdaan na ako roon at hindi na naman ako bata,” aniya.

Hindi rin niya ikinaila na selosa ang kanyang girlfriend.

“Ayoko ring magalit siya kasi may pagkaselosa siya at pati na iyong bunso kong anak na babae, ayaw niyang may nagfli-flirt sa akin,” sey niya.

Malaki rin daw ang ipinagbago niya mula nang dumating sa buhay niya ang bunsong anak.

“Iyong pagiging pilyo, hindi naman nawawala iyon lalo na kung nagkakasama kayong mga lalake. Minsan, napapatingin din ako sa ibang babae pero hanggang doon na lang iyon,” hirit niya.

Dagdag pa ni Jay, priority niya ngayon ang kanyang pamilya.

Hindi rin siya nahiyang aminin na may labing-isang anak na siya sa anim na magkakaibang mga babae.

“Lahat naman sila, mga kaibigan ko. Tanggap nila ako, so, walang bad blood,” pakli niya.

Proud din ang award-winning actor na sa sariling pagsisikap ay naitaguyod niya ang kanyang mga anak.

“Ang mga panganay ko ay pareho nang 24, isang babae at isang lalake. Iyong isa nga, meron na akong apo,” pagmamalaki niya.

Bagamat meron siyang anak na gustong pumasok sa showbiz at sundan ang kanyang yapak, hindi ito ini-encourage ni Jay.

“Sabi ko sa kanya, habang kaya ko pa, ako na muna ang gagawa ng obligasyon. Once natapos ko na, siguro saka ko na siya papayagan,” ani Jay.

Mapapanood si Jay sa “Higanti” kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang corrupt politician na asawa ni Assunta de Rossi.

higanti-poster

“Happy ako dahil sa edad ko ay nakakapagbida pa rin ako at kahit paano ay hindi nawawalan ng projects,” pahayag niya.

Masaya rin siyang muling makasama ang kanyang favorite leading lady na si Assunta de Rossi sa pelikulang “Higanti”.

“Siya kasi ang nakasama ko sa “Hubog” na nagbigay sa akin ng una kong nomination sa Urian, kaya hanggang ngayon trini-treasure ko pa rin iyong pagsasama namin,” pagbabalik-tanaw niya.

Leave a comment