May 22, 2025
JC de Vera continues to be loyal; Kuya E expands platform, now on TV
Latest Articles Rodelistic

JC de Vera continues to be loyal; Kuya E expands platform, now on TV

Apr 27, 2018

Pinangunahan ni JC de Vera ang ika-15 anibersaryo ng Montesa Medical Group noong Marso sa Novetel, Cubao, Quezon City.

Kasabay ng anibersaryo ng kumpanya ay ang kaarawan din ng Presidente ng kumpanya na si Dra. Anna Marie Montesa.

Isa ang Montesa Medical Group sa mga nangungunang beauty wellness industry sa bansa.

“This is our way of giving back to those who have kept us ahead of the competition and the subsequent growth that the company experienced,” sabi ni Montesa.

received_10213325861195624

Masayang-masaya si Dra. Montesa sa tagumpay ng kumpanya. Aniya, sana raw ay makilala pa ito sa buong Pilipinas.

Siyempre pa, may wish ang doktora sa sarili niya at mahal sa buhay.

“My birthday wish is to have a happy and healthy life with my family and friends.”

fb_img_1524760278098

Bukod kay JC, nakisaya rin sa pagdiriwang ang iba pang endorsers ng Montess Medical Group na sina Anna Capri, Alma Moreno, Randy Santiago, Kim Rodriguez, TJ Monterde, Ronnie Liang, Tippy dos Santos, Francis Magundayao, Ella Cruz, Alyanna Assistio, Nadia Montenegro at Rommel Padilla.

***************

Magsisimula nang eere sa Net 25 sa May 12 sa ganap na ika-4 ng hapon ang bagong inspirational talk show na “Ryts.”

Ang host ng naturang programa ay ang tinaguriang “Man of Inspiration” na si Neo de Padua o mas kilala sa tawag na Kuya E.

received_10213326561533132

Mapapanood sa pilot episode nito ang guesting ng magaling singer na si Lani Misalucha.

Hindi lamang entertainment ang mapapanood sa show kundi magiging daan pa ang programa para maging gabay ng mga taong gustong magtagumpay sa buhay.

Linggu-linggo ay makakasama ni Kuya E ang kaniyang mga celebrity guest na magkukuwento ng mga magaganda at tagumpay ng kanilang buhay na siguradong magbibigay ng inspirasyon sa mga manonood.

Ito ang kauna-unahang tv project ni Kuya E sa harap ng kamera. Masyado kasing nag-concentrate ang inspirational speaker sa pagpo-produce ng show at concert.

fb_img_1524760319766

Siyangapala, pinasok na rin niya ang recording scene dahil nakatapos na rin siya ng album na kasalukuyan niyang pino-promote.

Ito ay “Ako’y Nangarap” na ang carrier single ay ang “Tinapay” na hango sa kuwento ng kaniyang buhay na dating nagtitinda ng tinapay na nangarap at nagtagumpay.

Leave a comment