
On career: JC de Vera expresses fulfillment over ABS-CBN
Happy daw sa takbo ng kanyang career sa ABS-CBN ang isa sa mahusay na actor sa kanyang henerasyon na si JC De Vera .
Very thankful nga daw ito sa pamunuan ng ABS-CBN dahil ito ang nagbigay ng panibagong break sa kanya. Simula nga daw ng tumungtong siya ng Kapamilya Network ay nagkasunod-sunod na ang magagandang proyektong kanyang ginagawa.
Tsika nga nito “Sa ABS-CBN may sisimulan akong proyekto yung ‘Will Never Ever Say Goodbye’, isang soap with Richard Gomez, Dawn Zulueta, Assunta De Rossi, Sam Concepcion and Jessy Mendiola,
“Iba yung role ko dito first time ko makaka-experience ng ganitong klaseng role medyo heavy, same age yung character ko dito, very challenging siya, mahirap gawin kaya dapat nila itong abangan at panoorin,
“Masaya ako at nakakagawa ako ng mga ganung klaseng role, isang magandang opportunity ito sa akin na mas lawakan pa ang kaalaman [ko] sa pag arte sa mga role at proyektong ibinibigay sa akin ng ABS-CBN,
“Yun ngang role na first time ko pa lang gagawin at gagampanan,
“Yung soap namin is a family story, tungkol siya sa dalawang family na magkaaway, magkakaroon ng maraming conflict,
“And of course kasama mo ang mga veteran actors like Richard Gomez and Dawn Zulueta na alam nating parehong magaling at award-winning actors.”
Working with Dawn and Richard “Si Richard Gomez nakatrabaho ko na dati pero si Ms. Dawn first time ko makakatrabaho,
“Isang malaking karangalan sa akin ang makatrabaho sila kasi alam ko na marami akong matututunan sa kanila pagdating sa pag arte.”
On movies “Katatapos lang ng Shake Rattle and Roll 15 kasama ko si Erich Gonzales for Ahas episode under Regal Entertainment,
“At yung isa naman ginagawa pa namin under star Cinema kasama ko sina Gerald Anderson at Julia Montes,
“Horror love story siya, Halik sa Hangin ang title,
“Ang role ko dito third party ako kina Gerald at Julia, dito nagpababa muna ako ng age ha ha ha balik muna ako sa pagka bagets ha ha ha.”
Asked about matured roles “Any roles puwede sa akin, ang mahalaga talaga may trabaho ako,
“Naniniwala naman kasi ako sa ABS-CBN na hindi ka naman nila pababayaan,
“Continuous yung pagbibigay nila sa akin ng magagandang proyekto, mga challenging roles na first time ko lang gagampanan,
“Kaya sa bawat proyektong binibigay nila sa akin, may bago akong natututunan pagdating sa pag-arte dahil laging iba ito sa naunang ginagawa ko,
“Siguro napapansin nila na hardworker ako kaya nabibigyan nila ako ng magagandang proyekto,
“Ako naman kasi once na nabigyan ng trabaho, binibigay ko ang puso ko at 100% para mapaganda ang trabaho ko”, pagtatapos ni JC
Follow me…