
JC De Vera hopes to attract LGBT fans in “Best. Partee. Ever.”
First time na gaganap ang Kapamilya actor na si JC de Vera ng role ng isang discreet gay na nasangkot sa drugs sa loob ng bilangguan sa pelikulang “Best. Partee. Ever.” ni Howard Yambao na kalahok sa ika-4 na edisyon ng QCinema.
Ano ang nag-convince sa iyo para tanggapin ang role ng isang discreet gay?
“Gusto ko kasing gumawa ng something really out of my comfort zone. Alam kong hindi ako kumportable sa mga ganitong bagay pero as an actor, I want to challenge myself so, tuloy-tuloy lang ang learning process para tuloy-tuloy rin ang paggro-grow and hopefully, after this film, marami na naman akong natutunan,” ani JC.
Saan ka humugot ng inspirasyon sa pagganap mo ng mapangahas na papel ng isang discreet gay?
“Hindi ko alam kung ano iyong pakiramdam. Actually, na-stress nga ako dahil hindi ako kumportable sa ganitong role. I just trusted the people na nakasama ko dahil sila iyong nagdaan doon. Puro mga kuwento lang ang naririnig ko. Iyong experience nila, I have to rely on them,” paliwanag niya.
Nagkaroon ka ba ng pagkakataon na makilala ang taong pinagbasehan ng karakter mo?
“Na-meet ko iyong character. Ginawa ko siyang inspirasyon. Hindi ko siya kinopya pero lumalabas na may pagka-similar kaming kumilos,” kuwento niya.
Sa pagtanggap mo ng unang gay role mo, hindi ka ba natatakot na mabawasan ang pantasya sa iyo ng mga kababaihan?
“Siguro kung mabawasan man iyong pantasya nila sa akin, meron namang madadagdag na third sex, so it’s a win-win situation,” may pabiro niyang pahayag.
Ayon pa kay JC, during the shoot, nagkaroon siya ng pagkakataong makilala ang mga inmates na naging kasama sa pelikula.
Nagkaroon ka ba ng apprehensions o takot noong unang ma-meet mo sila na baka makursunadahan ka or something?
“Hindi. Actually, love ko sila. Iyon nga ang misconception sa kanila, hindi naman porke’t nasa loob na sila ng jail, masamang tao na sila. Mababait sila kasi they know the word respect and trust,” sey niya.
Ano ang naranasan mo sa pakikisalamuha sa kanila?
“Sa loob ng jail, hindi kasi nawawala ang companionship. Noong una, na-culture shock ako kung bakit ang dalawang lalake na may tattoo, na malaki at matipuno ang katawan na hindi mo naman sila masasabing gay o may relationship, magka-holding hands. Sabi ko, bakit kayo magkahawak ng kamay. Gusto raw kasi nila na may companion sila at may kasangga sa loob. Kumbaga, partner-partner sila para mas safe sila sa loob ng jail,” tsika niya.
Napapanahon ang pelikulang “Best Partee Ever” dahil may konek ito sa nangyayari sa ating mga mga prisons at correctional facilities kung saan talamak daw umano ang parties at drug sessions. Ikaw ba ay isang party people?
“Before noong early ‘20s pa ako, laman din ako ng parties, pero pag nagma-mature ka na pala, iba na ang nagiging priorities mo,” pagtatapos niya.
Bukod sa “Best. Partee. Ever.”, mainstay si JC ng Banana Sundae kung saan lalo pang nahahasa ang kanyang galing sa pagpapatawa.
Nasa MMK episode rin siya kung saan binibigyang buhay niya ang papel ng isang lalakeng may psoriasis at kung paano nakaapekto ang nasabing sakit sa kanyang buhay.