May 22, 2025
JC de Vera talks about his entrepreneurial side
Latest Articles

JC de Vera talks about his entrepreneurial side

Oct 14, 2016

Batid ng Kapamilya actor na si JC de Vera na hindi panghabang-buhay ang trabaho niya bilang actor sa showbiz.

Sa kanyang humigit-kumulang na sampung taon sa showbiz, naging mulat din siya na ang kasikatan ng isang artista ay hindi pangmatagalan.

Marami na rin siyang nakitang mga artista na nabago ang buhay dahil sa tama at maling paghawak ng pera.

Kaya naman, para kay JC, importanteng  may naipundar ang isang artista para meron siyang fallback kung sakaling hindi na siya aktibo sa showbiz.

14550096_158475381275476_1886083090732810240_n
Photo from: JC’s instagram account

Aminado rin siya na dumating siya sa stage na walang masyadong direksyon ang buhay niya.

“Noong mga ‘20s  kasi ako, okey na sa akin ang mayroong pera, may kinikita at naibibili ko ang gusto ko. Kapag bata ka, you tend to be adventurous, thrill-seeking, kasi marami kang gustong gawin, gustong maranasan, gustong i-explore,” balik-tanaw niya.

Hindi rin niya ikinaila na isa siyang party goer noon at nagha-hangout sa mga clubs.

“I think part na rin ng growing up. Pag bata ka kasi, maligalig ka, gusto mong ma-experience at ma-enjoy iyong pagiging bata. I remember, I would sometimes stay until 3 or 5 in the morning na umiinom  at nagpa-party with my friends,”  aniya.

Nilinaw naman ni JC na hindi naman siya iyong tipong gumamit o nalulong sa droga.

“I would say na lucky ako kasi ang circle of friends ko ay real ones. Hindi sila iyong  bad influence na ipinahamak ako sa paggamit ng drugs or anything,”  sey niya.

Inamin din ni JC that at some point in his life ay na-depress siya sa takbo ng kanyang career dahil practically ay naikutan na niya ang three major networks.

“There was a time na after transferring to TV5 from GMA, hindi na ni-renew ang kontrata ko, naisip ko kung i-stop na ba ako o babalik na ba ako sa pag-aaral ko, until the time na dumating ang offer sa akin sa ABS,” kuwento niya.

Thankful din si JC na nabibigyan siya ng right breaks sa Kapamilya network dahil bukod sa mga teleserye at guesting sa mga drama shows like MMK y nakilalala na rin siya  bilang isang magaling na komedyante sa Banana Sundae at bilang recording artist. (Masaya rin niyang inanunsiyo na may show siya abroad kasama ang mga komedyanteng sina Pooh at K Brosas kung saan siya magpe-perform.)

“Alam ko na ito na iyong last card ko, kaya nga kung ano iyong kikitain ko, kailangang magamit ko siya nang tama kaya nga tanggap nang tanggap ako ng trabaho at grateful naman ako dahil maraming nagtitiwala sa akin,” pagtatapat niya.

Enjoy din si JC sa kanyang role bilang isang entrepreneur dahil booming ang kanyang restaurant business na “The Burgery” na may dalawang branches na matatagpuan sa Paranaque at Circuit sa Makati.

“HRM ang course ko pero hindi ko siya natapos. Mahilig din akong magluto. I have a designated work place in these restaurants. Apat kasi kami rito, dalawa ang silent partners at isa iyong managing partner. Mga high school at batch mates ko sila sa Colegio de San Agustin,”  bida niya.

Food business ang pinasok niya dahil ito ang pinaka-in demand na negosyo para sa kanya.

“Burgery siya kasi iyong burger kasi is a staple food. Anytime of the day, puwede siyang kainin at hindi nawawala. It’s also a complete meal na sakto sa panlasa ninuman,” paliwanag niya.
Photo from: JC's instagram account
Photo from: JC’s instagram account

Proud din si JC dahil na-consider siya sa role bilang isang discreet gay sa “Best Partee Ever” na hindi pa niya nagagampanan sa entire career niya.

Hindi rin big deal kay JC ang kissing scene niya with Jordan Herrera at maging sa butt exposure niyang ginawa sa nasabing pelikula ni Howard Yambao.

“Lumalim iyong understanding ko about gay people. Na-embrace ko iyong character nila na dapat na tratuhin sila ng equal. Tao rin sila like any human being at hindi  natin dapat silang dini-discriminate dahil as human beings, they enjoy equal rights with anyone, even in their choices as to what will make them happy,” pagwawakas niya.

Bukod kay JC, tampok din sa “Best Partee Ever” sina  Mercedes Cabral, Kristoffer King, Jordan Herrera, Aaron Rivera, Tony Fabian, Shandii Bacolod, Acey Aguilar, Angela Cortez, Catalina Surio, Odette Khan, Jerome Zamora, Xixi Maturan, Archie del Mundo at marami pang iba.

Ang “Best Partee Ever” ay kalahok sa Circle Competition ng 4th Quezon City International Film Festival ngayong Oktubre.

Leave a comment