May 22, 2025
Jed Madela Denies Throat Surgery
Latest Articles

Jed Madela Denies Throat Surgery

Jan 22, 2015

mildre@bacud
by Mildred Amistad Bacud

Jed_Madela_by_Jhong_Dizon,_May_2010 Marami ang humanga sa naging performance ni Jed Madela ng awitin nito ang “Light of a Million Mornings,” ganun din ang duet nila ni Angeline Quinto sa University of Sto. Tomas last Saturday sa pagbisita ni Pope Francis sa nasabing eskwelahan. Kaya naman may mga nagatanong kung true ang mga kumalat na balitang nagpa-opera siya ng lalaluman. Matatandaang buong Disyembre ay hindi tumanggap ng trabaho ang singer kabilang ang guesting niya sa concert ni Lani Misalucha sa Smart Araneta Coliseum dahil November of last year ay nawalan ito ng boses at kinailangang magpagaling muna.

Sa kanyang guesting sa Kris TV ay nilinaw niya ang isyung dumaan siya sa throat surgery.

“Gusto ko lang pong i-clear na hindi po ako nagpa-surgery ng lalamunan. Ang daming nagsasabi na nagpa-surgery daw po ako, hindi na daw po as how it used to be ‘yung boses ko. Gusto ko lang pong i-clear there was no surgery na nangyari.”

“Vocal rest lang, paos lang ‘yun lang.”

Pinayuhan din daw si Jed ng duktor na bukod sa tamang pahinga ng boses ay umiwas ito sa maaalat, matamis at maaanghang na pagkain.

Follow me…

social networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply