
Jenine Desiderio dismayed over Janella who defended her driver
May iringan na naman pala ngayon ang mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador.
Nag-post kasi sa kanyang Facebook account ang dating singer, na kinupitan daw siya ng tatlong beses ng driver ni Janella, na kahit may ebidensiya na raw siya at witness, na talagang nangupit ang driver, ay kinampihan pa rin daw ito ng anak.
“Eh yung nahuli mo na on 3 occasions yung driver ng anak mo (with witness & evidence) na nangugupit at nagsisinungaling tapos mas pinili nyang paniwalaan yung driver.”
Na naging dahilan daw para magalit at madismaya siya rito. O, di ba, dahil sa post na ito ni Jenine, siguradong pag-uusapan na naman sila ng publiko.
**********
Sa mga naunang solo concert ni Daniel Padilla na ginanap sa Araneta Coliseum, ay naging special guest niya ang ka-loveteam at girlfriend na si Kathryn Bernardo.
Pero sa darating niyang concert sa October 13, na gaganapin ulit sa Araneta Coliseum, ay hindi niya na guest dito si Kathryn.
Pero manonood naman ng kanyang concert ang young actress, bilang suporta sa kanya.
Kaya makikita pa rin si Kathryn roon ng kanilang mga tagahanga.
Bakit kaya this time, ay hindi na isinama si Kathryn sa concert ni Daniel?
*********
Idadagdag pala ang karakter ni Carlo Aquino sa seryeng “Playhouse” na pinagbibidahan ng ex niyang si Angelica Panganiban.
Si Zanjoe Marudo ang kapareha rito ni Angelica.
So, kung idadagdag dito si Carlo, ano kaya ang magiging role niya? Siguro, ay gagawin na lang silang triangle sa serye, di ba?