May 22, 2025
Jennylyn Mercado Levels Up two Notches with “English Only Please” and “Second Chances”
Latest Articles

Jennylyn Mercado Levels Up two Notches with “English Only Please” and “Second Chances”

Jan 8, 2015

Antazo PSR pic
by Roldan Castro

Tumaas ang level ni Jennylyn Mercado sa pagiging Best Actress at pumalo sa top 4 sa takilya ang “English Only Please’ ng Metro Manila FilmFestival . Pressure sa kanya dahil sa susunod na project ay dapat malampasan pa nila ito.

Hindi ba siya na-surprise na ang Best Actress award niya ay galing sa isang romcom at hindi samercado mga drama na pinaggagawa niya.

“Sabi ko nga..nag-usap nga kami ng nanay ko, sabi ko Ma, napansin ko lang parang ang dami ko nang dramang ginawa sa sampung taon ko sa showbiz ,first time kong mag-comedy ngayon pa ako nanalo ng acting award. Sabi ko, baka dito ako nakalinya.ha!ha ha!,” deklara niya nang makatsikahan siya sa presscon ng bago niyang serye sa GMA 7 na “Second Chances”.

 

Kinukulit din siya kung ano ang ibinulong sa kanya ng dating Pangulo/Mayor Joseph Estrada sa stage habang ginaganap ang Gabi ng Parangal ng MMFF?
“Hindi ko siya puwedeng sabihin ..baka ..basta iba eh,” natatawa niyang pahayag.
Bastos ba?

“Hindi,” pakli ng dalaga.

Bagamat hindi namamatay ang pagkaka-link niya kay Dennis Trillo, possible kayang magkaroon ng second chance ang pagkakaugnay niya kay Raymart Santiago. Hindi kaya nadugtungan?

“Hindi ah! Kayo talaga. Wala.Lahat na lang?,” reaksyon niya.
Nagpaparamdam ba si Raymart?

“Hindi po. Pero tingin ko sa kanya, hindi siya tumatanda,eh. Baby face pa rin ganoon. Batak pa rin ‘yung katawan. Inaalagaan niya talaga ‘yung sarili niya. Off cam, sobrang kulit niyan. Pupuntahan lang niya ako sa tent, guguluhin lang ako. Nangugulo lang ,nangunguha ng pagkain, ganoon,” sagot niya.
Kumusta si Raymart?

“Okey naman po. Masayahin siya. Sa buong taping naming, masaya,” aniya pa.
Sabi ni Raymart, hindi ka pa raw ready magmahal ulit?

“Hindi ko pa alam schedule ko,eh.ha!ha!ha! ini-schedule ko para … darating din ‘yun, ‘wag magmadali. Balitaan ko kayo kung ano ang update. Sa ngayon, wala talaga, boring,eh!” sey pa niya.

Ayaw pa bang sundan si Jazz?

“Huwag muna. Pinaghirapan ko ito eh (seksing pangangatawan),” tugon niya.
Hindi ba siya naniniwala sa pagbibigay ng second chance sa ex niya?

“Depende po eh, Iba-iba.. case to case basis. Sa ngayon, hindi ko pa alam,” aniya.

So magkaka-level lang sina Mark Herras, Dennis Trillo, Patrick Garcia?

“Di ba sila-sila dumadalaw. Okey na kami, ganyan. Kasi mas maganda ‘yung kaibigan sila, di ba?

Pero nilinaw niya na hindi pa nakakadalaw si Dennis sa bahay niya. Itinanggi rin niya ang isyung dumadalaw siya sa condo ni Dennis.

“ Parang ‘yung balita nu’ng nakaraang Linggo, nagpunta raw ako ng Boracay, may kasama raw ako, di ba? Saan naman nanggaling ‘yan? Sandali , parang sabay-sabay? Puwede isa-isa? Ha!ha!ha!,” bulalas niya.
Kung saan –saan ka napagkikita ha?

“Oo nga, may Boracay…”

Hindi ba siya affected sa ganoon?

“Hindi kasi hindi naman totoo. Kumbaga, ako medyo affected ako dun sa mga hindi totoo pero tinatawanan ko na lang. Parang ayaw ko nang mag-aksaya ng panahon pero naiinis ako kasi hindi naman totoo. ‘Yung bang bakit ninyo ipinagpipilitan, ‘yung ganoong pakiramdam. Pero sa sobrang gusto ko na lang deadmahin, pinagtatawanan ko na lang.Ayaw ko na lang pagtuunan ng pansin kahit naiinis ako,” deklara pa niya.

Sa January 12 magsisimula ang “Second Chances’ sa GMA 7 na kung saan ay kasama niya sina Jennylyn Mercado, Camille Prats ,Rafael Rosell. Roi Vinzon, Miriam Quiambao, Gerard Pizarras, Frencheska Farr, Diva Montelaba, Miggs Cuaderno, Joshen Bernardo, at Chynna Ortaleza with special participation of Luis Alandy, Jackie Rice, Glenda Garcia, Ayen Laurel at Mr. Ricky Davao.

Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply