
Jennyln Mercado is President-Mayor Erap’s crush?
by Roldan Castro
Pinag-uusapan ngayon na diumano ay crush ng dating Pangulo at alkalde ngayon ng Maynila na si Joseph Estrada si Jennylyn Mercado. Nagpahalik si Erap sa nakaraang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival.Of course, flattered si Jen dahil ang ibig sabihin nun ay attractive siya o nababaitan sa kanya.
Balitang susuportahan ni Erap ang Pre-Valentine concert ni Jen sa sa February 13, na pinamagatang “Oo Ako Na, Ako Na Mag-isa, Samahan N’yo Naman Ako,” na gaganapin sa SM Skydome. Inimbitahan daw niya itong manood at nangakong bibili ng ticket.
Loveless ngayong Valentine’s Day si Jennylyn Mercado pero isi-celebrate naman niya ito kasama ang kanyang dalawang ex-boyfriend, fans at supporters. Guests niya sina Mark Herras at Dennis Trillo bukod sa kanyang leading man sa “English Only Please “ na si Derek Ramsay. Ayon kay Jen, hindi nila pinag-uusapan ni Dennis ang hindi namamatay na isyung na nagkabalikan na sila.
Mariin niyang sinabi na friends pa rin sila at hindi nag-work bilang lover. Malabo raw na magkabalikan sila dahil hindi pa siya ready na ma-in love kahit kanino. Actually, para nga siyang nabunutan ng tinik dahil kabati niya lahat ang ex niya maliban kay Luis Manzano.
Happy rin siya at hindi naiinggit sa mga ikakasal ngayon kasama na ang ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia at ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. .
“I hope, sana, sana magkaroon din kami ng chance ,” bulalas ni Jen para kay Luis. Pero, walang plano ang aktres na kumbidahin si Luis at si Angel Locsin na manood ng kanyang concert. Anyway, kakaiba ang concert ni Jen . Sa script pa lang ay maaaliw ka na .
Kick off pa rin to sa character ni Tere sa English Only Please. Jen will reveal her past kay Papa Jack. This concert is relatable. Nakakatawa, nakaka -inlove, nakaka kilig. Pati set up ng stage kakaiba. Very intimate ang dating. Ang musical director At pianist ay si Louie Ocampo.
May sexy dance sina Jen at Mark Herras with G Force. Aawitan naman ni Derek Ramsay si Jen. May duet naman sina Dennis Trillo at Jen. The other stars include Cai Cortez , Kean Cipriano, Gerald Napoles, Nico Antonio at Papa Jack as host. Pipigain ni Papa Jack si Jen para umamin na. Riot ito. Uuwi silang lahat na nakangiti. Sulit ang na ibabayad and in fairness,affordable ang tickets.Tickets 2 thou VIP, 1.5 thou at 1 thou. Ayon sa report, 85% na ang nabebenta nilang tickets
Follow me…
Roldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro