May 23, 2025
Jennylyn Mercado and Jericho Rosales wins Best Actress and Best Actor for “Walang Forever”
This is it!

Jennylyn Mercado and Jericho Rosales wins Best Actress and Best Actor for “Walang Forever”

Jan 4, 2016

Rommel_Placente

by Rommel Placente

jen and jerAng lead stars ng pelikulang “Walang Forever” mula sa Quantum Films na sina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales ang tinanghal na Best Actress and Best Actor respectively sa katatapos lang na Metro Manila Film Festvial 2015 Awards Night na ginanap sa KIA Theater, Cubao, QC nung Linggo ng gabi. Si Jennylyn din ang tinanghal na Best Actress sa MMFF Awards Night para sa pelikula niyang English Only Please. Kaya naman sobrang happy ang aktres sa dalawang magkasunod na pagkapanalo niya bilang Best Actress sa taunang MMFF.


Maine Mendoza wins Best Supporting Actress

maine coverSi Maine Mendoza aka Yaya Dub ang tinanghal namang Best Supporting Actress sa MMFF Awards Night para sa role niya bilang spoiled brat na anak ni Vic Sotto sa pelikulang “My Bebe Love” Hindi personal na nakuiha ni Maine ang kanyang trophy dahil nasa Japan ito ngayon kasama ang kanyang buong pamilya para magbakasyon. Pero sa kanyang Twitter account ay nagpasalamat siya sa jurors ng MMFF sa pagkakapili sa kanya ng mga ito bilang Best Supporting Actress. Pero hindi siya makapaniwa sa pagkapanalo niya. At alam niya rin na dahil tinalo niya ang mga beteranang aktres na sina Iza Calzado at Nova Villa sa Best Supporting Actress category ay posibleng i-bash siya ng netizens. Kaya naman sa kanyang Twitter post nung Lunes ng umaga ay sinabi niya na, “Bago pa ako i-bash ng sambayanan, mauuna na ako… Bakit ako? Pero maraming salamat po! Magandang umaga sa lahat!”


Jeric Gonzales auditions for GMA’s ‘Encantadia’ remake

jeric gonzalesAyon kay Jeric Gonzales, sobrang happy siya sa consistent na mataas na rating na nakukuha ng kanilang serye, na “Destiny Rose” na gumaganap siya rito bilang si Vince na best friend ng bidang si Ken Chan bilang si Destiny Rose. Kaya nagpapasalamat siya sa lahat ng tumatangkilik ng naturang serye. Mas lalo raw itong dapat abangan ng kanilang televiewers dahil mas marami pa raw magagandang eksenang mapapanood sa kanilang serye.
Excited ding ibinalita ni Jeric na nag-audition siya para sa pagbabalik sa ere ng Encantadia ng GMA 7. Ang role raw dati rito ni Cong. Alfred Vargas ang in-audition niya. Wish niya na sana raw ay siya ang mapili, dahil nung hindi pa raw siya artista ay pinapanood niya ang nasabing serye at nagustuhan niya ito. Well, wish namin na si Jeric ang mapili ng Kapuso network para sa naturang role.

Leave a comment

Leave a Reply