
Jennylyn Mercado and Dennis Trillo: Is love sweeter the second time around for them?
Mukhang totoo ang bali-balita na nagkabalikan na talaga sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, huh! Nakita kasi silang magkasama na silang dalawa lang sa Balesin Island nung nakaraang Semana Santa. Yung nakakita sa kanila sa nasabing island ang siyang nag-post ng picture nila together.
Ano kaya ang pumipigil kina Dennis at Jennylyn para aminin na magkarelasyon na ulit sila? Bakit patuloy silang nagde-deny na nagkabalikan na sila kahit pa maraming nagpapatunay na talagang sila na ulit?
[divider]
“When I go to work, the only expectation I have is for me to work hard, to give my best.” – Jay R
Natutuwa ang singer na si Jay R sa magagandang feedback na naririnig niya sa kanyang performance bilang isa sa contestants sa Your Face Sounds Familiar.
“Ako naman wala naman akong expectations. When I go to work, the only expectation I have is for me to work hard, to give my best. Yung nangyari na pumutok ang Your Face talagang happy na happy ako na ganon ang nangyari.”sabi ni Jay-R.
Para kay Jay R among the other participants, kino-consider niya na sina Melai Cantiveros and Nyoy Volante ang pinakamahigpit niyang kalaban sa nasabing show.
“Si Melai ang galing ng charm niya, talagang komedyante pa rin siya. Si Nyoy naman very versatile, kaya niyang gawin lahat kaya sila yung biggest competitors ko.”
Kung si Jay-R ay sina Melai at Nyoy ang masasabi niyang strong contenders niya sa Your Face Sounds Familiar, para kay Jolina Magdangal naman ay si Jay-R at si Melai din ang sa tingin niya ang pinakamahirapan niyang kalaban dito.
“Si Jay R,tatahi-tahimik lang siya pero grabe, ang galing niya. Si Melai naman, iba yung binibigay niya, very entertaining siya,” sabi ni Jolina.