
Jennylyn Mercado is ready to tackle more challenging roles
By Roldan Castro
Mas vocal si Dennis Trillo kesa kay Jennylyn Mercado kapag tungkol sa status ng relasyon nila ang pag-uusapan. Katwiran naman ni Jennylyn, mas okay na ‘yung lalaki ang nagsasalita.
“Kung ano man ang sinasabi ni Dennis… ‘wag kayong maniwala dun,” sabay halakhak niya nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph). “Hindi kasi ‘yun ang pinagtutuunan ko ng pansin. Kumbaga… masaya naman po. Wala namang dapat ikalungkot, lalo na’t masaya ‘yung takbo ng career namin,” sambit pa ni Jennylyn.
Ano ang reaksyon niya na puwedeng sabihin ni Dennis na ‘love is lovelier for the second time around?’
“Ano ba? Wala.Ha!ha!ha! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,” sabi niya sa presscon para sa “My Faithful Husband” na magsisimula sa August 10 sa GMA 7.
Naniniwala ba siya na mas masaya ang pag-ibig sa pangalawang pagkakataon?
“Depende. Para sa akin kasi, hindi. Parang nandun ako sa gitna. Depende dun sa klase ng kung gaano katindi ‘yung pagmamahal, kung ano yung mga pinagdaanan ninyo, kung willing ba kayong dalawa na ayusin anuman yung hindi ninyo dati napagkasunduan.”
Kayo na ba ulit [ni Dennis]?
“Hindi… Totoo. Ano ko siya barkada,” tumatawa niyang pahayag. “Siguro, binubuo pa lang namin kung ano ‘yung mga dapat buuin. Pero wala akong oras na magbuo. Sa ngayon, ‘yun lang muna. Ayusin ko na lang sa susunod kung may time talaga,” deklara niya.
Pero ano ang feeling sa muling pagsasama sila sa serye?
“Excited kami dito dahil pagkatapos ng limang taon ngayon kang kami gumawa ulit ng soap. Kasi never naman kami nagsama ng kahit na anong project after 5 years, eto na lang po ulit,” bulalas ni Jen.
“Nai-excite kami sa soap dahil iba naman. Hindi ‘yung palaging sini-save niya ako pag soap, na inaapi ng lalaki. Dito naman iba, kasi ‘yung lalaki naman ‘yung medyo mahina, hindi confident,” aniya.
Ano ang na-miss niya kay Dennis?
“Magaling talaga siyang artista,eh. Kasi, tingnan mo pa lang siya… alam niya kung ano ang ginagawa niya,”pakli niya.
Na-miss ba niya ‘yung mga yakap ni Dennis sa pictorial?
“Ay, oo, “ mabilis niyang sagot. “Naloka ka sa sagot ko,no?’ sabay tawa nang malakas.
“Ano ka ba Tito, kunwari lang naman ‘yun. Pictorial lang ‘yun. May damit naman kami sa loob,” sabi pa niya.
Sabi ng mga kasamahan nila sa “My Faithful Husband” ay nahihiya na sila sa sobrang sweet nila sa taping.
“Talaga?Nahihiya na sila. Grabe naman,” reaksyon ni Jen. “Wala kaming oras na maglambingan dahil parati kaming nasa eksena. Baka naman ang nakikita nila,eh, eksena?” aniya pa.
Ready ba siya sa violent reaction dahil hindi sanay ang mga Pilipino na ang babae ang kumakabit at nagloloko sa serye?
“Handa po ako. Pinaghandaan ko na. Ina-anticipate ko na ‘yan na, ‘ah, maraming magagalit sa akin.’ I’m ready to tackle more challenging roles such as this. Pero I’m sure magugustuhan nila ito kasi iba eh..iba talaga,eh. Ako ‘yung tatay, siya ‘yung nanay,” bulalas pa niya.
Anyway, makakasama nina Dennis at Jennylyn sa “My Faithful Husband” sina Mikael Daez , Snooky Serna , Ricky Davao, Nonie Buencamino, Lloyd Samartino, Timmy Cruz , Rio Locsin, Kevin Santos , Jade Lopez, Jerald Napoles, Julia Lee , Jazz Ocampo , Aaron Yanga , Rexcy Evert at Louise delos Reyes.