May 24, 2025
Jericho and Maja new drama series, ‘Bridges of Love’ contains scenes that are intimate and passionate; Echo narrates that he sees no problem with his wife Kim
T.V.

Jericho and Maja new drama series, ‘Bridges of Love’ contains scenes that are intimate and passionate; Echo narrates that he sees no problem with his wife Kim

Mar 2, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

bridge

Sina Jericho Rosales at Maja Salvador ang mga bida sa upcoming drama series ng ABS-CBN 2 na ‘Bridges of Love’. Sa nasabing serye ay may intimate at passionate scenes ang dalawa na hinihingi ng kanilang role.

02Sa tanong kay Echo, kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang misis na si Kim Jones sa ganung mga eksena nila ni Maja sa kanilang serye, ang sabi niya ay, “Well first of all Australian si Kim so medyo open ‘yung kultura nila ‘di ba? So hindi masyadong konserbatibo pero may values siyempre si Kim.”

Ayon pa kay Echo, wala raw magiging problema ‘yun sa kanila ni Kim. Ever since naman daw kasi ay alam nito ang ginagawa niya bilang isang artista.

“Alam niya na ginagawa ko ‘yung work ko, na may reason. She knows that na hindi ako gagawa ng isang bagay for wrong reasons, that’s how much she trusts me and vice versa,” aniya pa.

Pagdating sa kanyang trabaho ay maunawain naman daw si Kim.

“She’s the most supportive, she’s my best friend, she’s my most favorite person in the world and the only issue now of course is she’s busy, she’s very busy ‘yun lang pero okay lang ‘yan.

“Sanay na sanay kami sa isa’t isa, kumbaga para sa akin lang perfect, wala namang perfect pero ‘yung set-up namin, ‘yung pagkakaintindihan namin sa isa’t isa, full support talaga.”

01Tungkol naman sa kung kelan nila planong magkaroon ng baby ni Kim, ang sabi ni Echo, “Wala pang plano, hindi pa, I’m still praying about it kung kailan ang perfect timing kasi gusto ko muna ma-enjoy niya ’yung work niya.

“I mean ako din gusto ko maging prepared for that. Kasi ‘pag kinasal kayo, hindi pa tapos don ‘yun eh, pag-aaralan niyo pa ‘yung isa’t isa ‘di ba? And then kung kailan ‘yung timing,” paliwanag pa niya.

Ang gusto ni Echo na mangyari, kung sakaling mabubuntis na raw si Kim ay lagi siyang nasa tabi nito para maalagaan niya ito na sa ngayon ay hindi raw niya magagawa dahil nga sa rami ng kaniyang trabaho.

“I want to be there for her kapag nabuntis na siya. I want to be there a few months before siya manganak and a few months after siya manganak so timing is crucial talaga.

“Gusto ko andon ako eh para sa kanya, and we’re both not ready pa, so we are praying hard about it. Time will come,” sabi pa ni Echo bilang pagtatapos.

Follow me…

social  networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply