
Jericho Rosales reacts if his first child with Kim Jones is gay
Pangungunahan nina Jericho Rosales, Yen Santos, Sam Milby at Yam Concepcion, ang bagong teleserye ng ABS-CBN 2 na “Halik” mula sa direksyon nina Cathy Camarillo at Carlo Po Artillaga.
Sa presscon ng Halik, ipinaliwanag ni Jericho kung bakit ito ang title ng kanilang serye.
“Yung show po namin, ang tina-tackle nito is yung, bakit ka nanghalik? Meaning, nanghalik ka ng asawa ng iba, humalik ka ng asawang pakakasalan mo. Halik, you know, is like a decoration, that, this is what I want to do. Sa mag-asawa, ‘yung halik is you know, there’s something that comes before that, and it’s either, humility, forgiveness, acceptance, and respect. Revenge, pwede rin. It can fix and it could also destroy relationships and marriages.”
At dahil “Halik” ang title ng kanilang serye, tinanong namin si Jericho kung naghahanap pa rin ba siya ng ibang halik mula sa ibang babae, kahit may hinahalikan na siya, ang asawa niyang si Kim Jones, na isang model-host.
”Naghahanap ako ng iba’t ibang klaseng halik mula sa aking one and only girl. ‘Yun lang,” natatawang sagot ni Echo na ang tinutukoy ay si Kim.
“Siyempre, nung ikinasal ako, I made sure na malakas na ako, di ba? Pero na-realize ko na hindi pa pala ako ganun kalakas, kasi humihina ako ‘pag kaharap ko siya (Kim),” dagdag ng bida sa bagong serye ng Dos.
Nung ginawa ni Echo ang defunct series na “Legal Wife” with Maja Salvador and Angel Locsin, na ang istorya ay tungkol sa ginawa niyang pagtataksil, nakatulong daw ito sa kanya, dahil in-apply niya raw ito sa buhay niya.
“Lesson learned na ‘yun sa relationship namin.”
Hanggang ngayon ay wala pa ring anak sina Jericho at Kim. Tanong namin sa kanya, paano kung ang unang anak nila ay bading?
“You know what, even magka-anak ako ng bading, okey lang, walang problema. Mahal ko pa rin siya, siya, anak ko ‘yun, eh. At mahal ‘yun ng Diyos, mahal nating lahat ang mga bading.”
Sa serye ay maraming intimate scenes si Jericho with Yen and Yam. Paano niya pinaghandaan ang mga ganung eksena?
“Tinry ko muna kay Sam. Sabi ko, kung okey na ako kay Sam, kaya ko na ‘yun sa dalawa,” birong sagot ni Echo.
Huwag kalimutang panoorin ang “Halik” gabi-gabi sa Primetime Bida sa ABS-CBN pagkatapos ng Bagani simula Lunes, August 13.
Kasama rin sa cast sina Amy Austria, Romnick Sarmenta, Allan Paule, Precious Lara Quigaman, Cris Villanueva, Christian Bables, Chain Fonacier, Almira Mulach, Hero Angeles at Gab Lagman.
(Photos from Pilar Mateo)