June 10, 2025
Kung saan ako dadalhin ng tadhana—Jermae
Showbiz Insights

Kung saan ako dadalhin ng tadhana—Jermae

Nov 29, 2018

NATUTUWA si Jermae Yape dahil natupad na rin ang pangarap niya noong bata pa lang siya, na maging isang recording artist. Labas na ang unang single niya titled “Summer” na nag-collaborate sila ni Jheorge Normandia.

“First single ko po ito ever, kaya sobrang overwhelm ako. Kasi, sobrang pinapangarap ko talagang maging singer. Kaya thankful po ako, singing talaga kasi po ang love kong gawin,” sabi ni Jermae nang makausap namin.

Ang “Summer” ay digitally release. Labas na ito sa lahat ng digital platform like sa Spotify, iTunes, Tweezers, at Amazon.

Paano niya idi-describe ang kantang Summer?

“It’s Pop po, puwedeng pang-sing and dance po. Danceable po kasi itong single ko. ‘Yong song, parang you’re waiting for tadhana to give you that big break. Parang ako po, hinihintay ko pong mangyari ang big break at ito na ‘yung break na tinutukoy ko,” esplika pa niya.

Bilang promo ng kanyang single ay magkakaroon siya ng radio guestings.

Si Daniel Padilla ang gustong maka-collaborate ni Jermae.

“Si Daniel ang gusto kong maka-collaborate, kasi paborito ko siya at siya rin po ang aking showbiz crush, kasi guwapo siya.”

Sina Bruno Mars and Adele naman ang kanyang idol na foreign artists, samantalang sina KZ Tandingan at Jayda Avanzado ang hinahangaan niyang local singers.

Ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang career?

“Sana po mas marami pang mag-open na doors para po sa akin. Like, maging artista, dancing, singing… kahit saan po, kung saan ako dadalhin ng tadhana.”

Leave a comment