
Jessy Mendiola breaks silence on switching networks
Naging usap-usapan kamakailan ang naging post ni Jessy Mendiola sa kanyang social media account tungkol sa “old endings and new beginnings.”
May nag-akalang tungkol ito sa moving on at baka raw lilipat na ng network ang aktres. May nag-isip naman na baka may kinalaman ito sa relasyon nila ni Luis Manzano o baka raw papasok ang aktres sa bagong kabanata ng kanyang buhay dahil pakakasal na ito o di kaya’y nakipag-break na sa kanyang nobyo.
Hirit pa niya, nagulat nga rin daw siya na may espekulasyon na lilipat siya ng network.
“Pero siguro dahil siyempre, hindi rin ako visible masyado and maybe they’re thinking na baka nga I’m planning to move or whatever, pero I don’t know, you’ll never know what will happen in the future. Basta ako po, I’m taking it day by day and I’m really happy na kahit paano, I’m still given projects,” aniya.
Paliwanag pa niya, may kinalaman daw ang post niya sa bago niyang baby o pinagkakaabalahan.
“I’m more focused now on my blog and my business. And at least, at the same time, nakikita pa rin ako ng mga tao. Maybe that’s why, iniisip nila na lilipat ako, kasi hindi nila ako nakikita sa TV masyado,” sey niya.
Ang ibig daw niyang sabihin sa post niya ay ang bagong negosyong kanyang binuksan at ang pelikula nga niyang “Stranded” with Arjo Atayde.
“I just feel really inspired, kasi this movie is also something new to me, and I just recently launched my business, it’s called SenoritaJ.ph, basically it’s called Señorita, and we are selling kaftans, beach kaftans, beachwear and everything,” esplika niya.
“I guess, ‘yun ‘yung new beginnings ko po na finally, I have the time to explore what I really wanted to do in life and that includes fashion. It’s a small online business,” dugtong niya.
Tsika pa niya, malaking tulong daw si Luis sa mga naging pagbabago sa kanyang buhay.
“He really made me question my life for the better… na am I really happy ba doing this or what are you doing with your life, na am I okey na hanggang dito na lang ba ang kaya ko. I think, he changed me for the better. He helped me explore new things in life like iyong pagpasok sa business or pagiging open sa tao o pagiging mas communicative sa mga tao. He helped a lot in most aspects of my life,” bida niya.
Pagkatapos ng MMFF movie na “The Girl in the Orange Dress” muling mapapanood si Jessy Mendiola sa romantic drama na “Stranded” tungkol sa dalawang taong na-stranded sa isang opisina dahil sa malakas na buhos ng ulan at pagbaha sa Metro Manila.
Ginagampanan niya ang papel ni Julia, isang konserbatibong babae na naniniwala sa commitment na nakatagpo si Spencer (Arjo), isang happy go-lucky guy na magpapabago ng kanyang pananaw sa buhay.
Ito ang unang tambalan nila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.
Mula sa produksyon ng Regal Entertainment, ang “Stranded” ay idinirehe ni Ice Idanan na siya ring direktor ng “Sakaling Hindi Makarating” na nanalo ng 7 awards sa Cine Filipino Independent Film Festival noong 2016, including Best Director, Best Cinematography and first runner-up for Best Picture.