May 24, 2025
Jessy Mendiola’s mom defends daughter against detractors
This is it!

Jessy Mendiola’s mom defends daughter against detractors

Oct 14, 2015

Rommel_Placente

THIS IS IT
By: Rommel Placente

Jessy Mendiola’s mom defends daughter against detractors

Sa kanyang Twitter account ay nag-deny si Mrs. Didith Garvida sa balitang diumano’y buntis ang kanyang anak na si Jessy Mendioola courtesy of JM de Guzman. Nagalit siya sa mga naninira at nagpapakalat na nagdadalang-tao ang aktres.
Sa kanyang post ay sinabi niya na, “No it’s not true, ang hiig ninyo manira. Katwiran ng ginang, hindi na nga nagsasalita [si Jessy] sa mga nangyayari na di naman niya kagagawan. Ngayon naman gusto ninyo siraan siya ng kung ano-ano, taking advantage lang? What’s new with all of you? Get a life! Alam ko kung kaninong kampo yan! Ingat lang baka ikasira ninyo na yan ng tuluyan.. Pag ako magpakalat gusto ko yung totoo..mga hijas and hijos.. Kawawa yan sa akin! Sarap ninyo lang ng patulan.
O di ba galit ang mommy ni Jessy? Pero sino kaya ang pinatutungkulan niyang kampo na alam niyang naninira lang sa kanyang anak?

[divider]

Newcomer Martin Venegas slowly but surely making a name in local showbiz

Nagsimula si Martin Venegas bilang isang commercial model bago siya naging isang artista. Ang ilan sa mga nagawa niyang commercials ay ang Ajinomoto, Lucky Me, Ulalam at marami pang iba. Guwapo naman kasi ang bagets kaya mabenta siya sa TV commercials. Pinasok din niya ang pag-aartista dahil masaya raw sa showbiz at gusto niya rin daw sumikat na gaya ng kanyang hinahangaan na si Coco Martin. Pangarap niyang makatrabaho ang award-winning actor. Sa mga artista namang babae, si Julia Montes ang gusto niyang makasama sa isang proyekto.
May binuo si Martin na grupo, ang all-boy-group na tinawag niyang “Teen Rules” na gaya niya ay pawang guwapo at teenager ang members nito. Magagaling at mahuhusay sumayaw ang grupo kaya malaki ang potensiyal na makilala o sumikat sila.
May natapos gawing advocacy film si Martin, ang “Palo” na ipapalabas sa iba’t-ibang schools sa Pilipinas.

[divider]

ABS-CBN website conducts a survey on the country’s hottest loveteam

On-going ngayon ang survey ng ABS-CBN Push.com kung sino ang hottest loveteam ngayon sa Primetime Bida ng ABS-CBN 2. Ang mga pagpipilian ay ang loveteam nina James Reid at Nadine Samonte, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Coco Martin at Maja Salvador at Jake Cuenca at Arci Munoz. Ang nangunguna so far ay Jadine na nakakuha ng 61% . Followed by Kathniel na nakakuha ng 31%. Pangatlo sina CocoJam na nakakuha lang ng 5% at ang kulelat ay ang tambalan nina Jake Cuenca at Arci Munoz sa Pasion de Amor na nakakuha lang ng 2%.

Leave a comment

Leave a Reply