May 22, 2025
Jhassy promotes ‘Unspoken Letters,’ asks for support
Latest Articles

Jhassy promotes ‘Unspoken Letters,’ asks for support

Dec 11, 2023

Aminado ang award-winning teen actress na si Jhassy Busran na mixed emotions ang nararamdaman niya sa nalalapit na pagpapalabas sa mga sinehan ng pelikula niyang Unspoken Letters. 

Pahayag niya, “Kinakabahan po ako sa kung paano ko nagawa ang papel ko rito bilang special child, ang mga comments, very positive naman po.

“Kaya very excited po ako at the same time, kinakabahan po sa kung paano siya tatanggapin ng mga manonood po,” sambit ni Jhassy.

Gumaganap dito si Jhassy bilang si Felipa, bunso sa kanilang pamilya na may medical condition na tinatawag na Autism Spectrum Disorder (ASD). Sa pelikula, isang 17 year old na dalagita si Jhassy na nagfa-function o may katumbas ng 7 year old na pag-iisip.

Makikita sa teaser ng kanilang pelikula ang kakaibang husay si Jhassy.

Maraming magagandang eksena na nagpamalas ng galing sa acting ang dalagita, pero isa sa talagang nagustuhan namin ay ang eksena nila ni Gladys Reyes na sinampal at dinunggol-dunggol sa mukha ni Gladys si Jhassy.

Ipinakita rito ni Jhassy na kaya niyang sumabay sa veteran at mahusay na aktres na tulad ni Gladys.

Idiniin pa ng young actress na proud siyang nasampal ng isang Gladys Reyes.

Kuwento ni Jhassy, “Noong mabasa ko ang script at may sampalan, hindi ko pa po alam kung sino ang gaganap. Sabi sa akin, si Ate Gladys daw. Nagulat ako.

“Known kasi si Ate Gladys for that. Marami ang nangangarap masampal ng isang Gladys Reyes. Pero iyong alam mo na gagawin ang eksena, nagulat na lang ako na hindi ini-expect kaya nadagdagan ang emosyon ko.

“After that, proud ako na nasampal ni Ate Gladys,” aniya pa.

Nabanggit din ni Jhassy na naniniwala siyang isa sa bentahe ng kanilang pelikula ay ang pagiging family oriented nito at ang aral na mapupulot ng moviegoers dito.

Esplika ni Jhassy, “Sinasabi po namin na it is a family oriented drama movie, so parang iyon po ang isa sa tingin ko na magiging bentahe niya sa manonood.

“Hindi po kasi siya istorya ng basta si Felipa lang, istorya po ito ng buong pamilya po.”

“So, kung ako po ang manonood, ang parang ano po niya… gusto ko siyang mapanood kasi hindi siya basta po kuwento lang, mayroong meaning ang kuwento na iyon.  

“Mayroon kang matutununan when it comes to handling a special child,  mayroon kang matutunan sa pamilya mo, kung paano ka makisama sa pamilya mo…. Paano kung mayroon kayong hidwaan ng pamilya mo? Doon po, it talks about it dito sa movie na ito. Kaya iyon po ang isa sa dahilan kung bakit dapat nilang mapanood itong Unspoken Letters,” mahabang esplika pa ni Jhassy.

Sobrang challenging ang role niya rito, ipinaliwanag din niya kung paano ito pinaghandaan. “Siyempre po we do our own research din po, kasi sinasabi po ng mga direktor na, ‘You have to do your own research, kung paano mo siya ipo-portray nang mas maayos. Kung paano mo siya ipo-portray na wala kang nao-offend, lalo na iyong nasa community na ganoon.’

“So, it is very challenging po talaga.”

Showing na ang Unspoken Letters sa mga sinehan sa December 13.

Mula sa Utmost Creatives Motion Pictures, tampok din dito sina Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Matet de Leon, Simon Ibarra, Daria Ramirez, Deborah Sun, Orlando Sol, John Heindrick, Christine Samson, at MJ Manuel.

Ang Unspoken Letters ay sa panulat at direksiyon ni Gat Alaman na siya ring executive producer ng pelikula. Co-director naman niya si Paolo Bertola at associate director si Andy Andico.

Leave a comment