
Jinkee once doubted Manny Pacquiao’s ability on the ring
Sa interview ni Coney Sison kay Mommy Dionisia Pacquiao, tinanong ng GMA 7 news anchor ang mommy ni Manny Pacquiao kung anong reaction nito sa naglabasan na issue na kinukulam daw nito ang nagiging kalaban ni Pacman sa ibabaw ng ring. Matatandaang naging trending sa social media ang ginagawa ni Mommy na tinuturo nito ang kalaban ng anak sa ibabaw ng ring habang hawak-hawak ang rosaryo.
Imbes na magalit ang nanay ng ‘Pambansang Kamao’ ay tinawanan na lang nito ang issue na siya daw ay mangkukulam.
“Ha! Ha! Ha!, hindi ako ganyan. Ang tao na gumagawa ng ganyan ay walang Diyos,” nakangiting pahayag ni Mommy Dionisia kay Coney Sison. Payo ni Mommy kay Pacman na huwag maging kumpiyansa sa laban at magdasal sa Diyos bago lumaban.
Nakahanda na rin ang white gown na isusuot ni Mommy Dionisia. Kung bakit white ang kulay ng gown ay para daw ibandila sa buong bansa at ipagmalaki na tayo ay Pilipino na handa sa anumang pagsubok.
Sa interview naman ni Ms. Coney kay Jinkee (ang kabiyak ni Pacman) ay naibulgar na pinagdudahan nito ang kakayahan ni Manny Pacquiao nang lumaban ito kay Oscar Dela Hoya. Nababasa raw kasi ni Jinkee kung gaano kahusay sa boxing si Oscal Dela Hoya. Kaya’t nang sabihin daw sa kanya ni Manny na kaya nitong labanan at taluninsi Oscar ay nagduda daw siya sa kakayahan ni Manny na talunin ang makakalaban nito sa ibabaw ng ring. Aniya na-guilty raw siya dahil hindi daw siya agad nagtiwala sa angking galing ni Manny sa boxing.
Sa nalalapit na laban ni Manny kay Mayweather ay 100% nang kumpiyansa at naniniwala si Jinkee sa asawa na kaya nitong talunin ang sinuman makakaharap sa ibabaw ng ring.
Ayon pa kay Jinkee, anuman ang kalabasan ng laban ni Manny at Mayweather ay tatanggapin nila ito ng buong puso. Manalo`t matalo ay tatanggapin nilang mag-asawa ang magiging resulta ng laban dahil naniniwala sila na ito ang kagustuhan ng Diyos.