May 23, 2025
Faces and Places Latest Articles

Jiro Manio ready to leave the rehabilitation center

Jan 15, 2016

Masayang ibinalita ng Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas na malapit nang lumabas ang kanyang ‘anak-anakan’ at dating award-winning child actor na si Jiro Manio sa rehabilitation center kung saan niya ito ipinasok noong nakaraang taon. Nag-post si Ai Ai ng naging palitan nila ni Jiro ng text messages sa kanyang Instagram account kung saan kinumpirma ng magaling na komedyana na malapit nang lumabas si Jiro.

Si Ai Ai ang nagmagandang-loob upang tulungan si Jiro noong nakaraang taon matapos nito matulog ng ilang araw at makitang palaboy-laboy sa NAIA Terminal 3 noong buwan ng Hunyo at tila wala sa sarili. Ginawa niya ito sa paghahangad na makapunta sa Japan upang muling makita ang Lola at tunay na ama nito. Isa si Ai Ai sa mga naunang sumaklolo kay Jiro noong panahon na iyon dahil naging ‘anak’ niya ito sa pelikulang “Tanging Ina.” Sa tulong ni Ai Ai at ng iba pang kapwa artista, naipasok si Jiro sa isang pasilidad na makakatulong upang manumbalik ang sigla at kumpiyansa sa sarili ng batang aktor.

Ai-ai-delas-Alas-and-Jiro1452768364-AiAi-post

Sa nasabing Instagram post kung saan makikita ang palitan ng mensahe nila ni Jiro, pinaalalahanan ni Ai Ai na sana ay magtuloy-tuloy na ang kanyang paggaling. Sinangayunan naman ito ni Jiro at sinabing ayon sa kanyang doctor ay nagbagong-buhay na talaga siya at binigyan na rin ito ng permiso na maaari nang makalabas anumang oras. Sabi pa ng dating child actor, excited na siyang muling makalabas at hihintayin niya si Ai Ai na sunduin siya nito sa rehab.

Nangako rin si Ai Ai na sa oras na makalabas si Jiro sa rehab ay dadalhin niya ang child actor sa Japan upang personal na makita at makilala na nito ang tunay na ama niyang isang Hapon. Patuloy pa ring gagabayan ni Ai Ai si Jiro sa buhay nito para hindi na muling mapariwara ang batang aktor.

Leave a comment

Leave a Reply