May 23, 2025
Jiro Manio suffers from chronic depression
Latest Articles This is it!

Jiro Manio suffers from chronic depression

Jul 2, 2015

Rommel_Placente
By Rommel Placente

Jiro Manio suffers from chronic depression

21eddf662

Bilang isa sa mga malalapit kay Jiro Manio, alam namin na hindi siya bumalik sa paggamit ng droga na gaya ng sinasabi ng ibang tao. Matinding depression ang pinagdadaanan ngayon ni Jiro. Depressed siya dahil hindi natuloy ang pagpunta niya sa Japan. Gusto niya na kasing makita ang kanyang biological dad. Ang mommy lola niya, na ina ng kanyang namayapang ina na nagtatrabaho sa Japan ay hindi na kasi nakikipag-comunicate sa kanya.

Ito kasi ang nangakong tutulong sa kanya para magtabaho na lang sa Japan para makita at makausap ang tunay niyang ama na isang Japanese. Dahil nga nawalan na si Jiro ng chance na makapunta sa bansa ng kanyang ama, naging dahilan nga ito ng kanyang matinding depression na nag-lead tuloy sa pagiging tulala niya na palagi dahil sa kaiisip kung paano makapupunta sa bansa ng kanyang ama.

ec03233dbNung time na lumayas si Jiro sa kanilang bahay ay dun nga sa NAIA terminal 3 siya tumuloy. Inisip niya kasi na magpunta nga sa Japan. Sa ngayon ay nasa pangangalaga si Jiro ng kanyang kaibigan, dun muna ito tumutuloy at hindi sa kanilang bahay dahil nakatampuhan nito ang kanyang daddy Andy.

[divider]

Enchong invites everyone on his “Enchong Dee Deetour” concert

Enchong-Dee-becomes-Concert-King-for-a-night-in-Martin-Late-@-Night

Mamaya, July 3 at 8:00pm ganaganapin sa Music Museum ang unang gabi ng concert ng multi-talented actor na si Enchong Dee billed as “Enchong Dee Deetour” (The Chinito Live In Concert). Ang dalawa sa special guest niya rito ay ang mga kaibigan niyang sina Gerald Anderson at Enrique Gil. Watch na kayo ng concert, siguradong mag-i-enjoy kayo rito dahil talagang magaganda at pinaghandaan ni Enchong ang lahat ng performances na gagawin niya sa kanyang concert. At bongga rin ang production numbers na inihanda ng kanyang mga special guests. Kita kits mamaya!

[divider]

Dennis Padilla says he’s able to relate to his role in ‘The Breakup Playlist”

Dennis-Padilla

Ayon kay Dennis Padilla nakaka-relate siya sa role niya sa ‘The Breakup Playlist,’ ang pelikulang pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo. Dahil sa tunay na buhay kasi ay isa rin siyang ama. Ang role sa pelikula ng komedyante ay tatay ni Sarah.
“Well, it’s easy for me [to play] because I’m a father. And I know how it feels, kaya yung role ko bilang father nung bida, naa-apply ko, e.” sabi ni Dennis

Naibahagi rin ni Dennis ang kanyang parenting style.
Parang barkada rin nila ako sa bahay, e. Yung style ko, barkada. Pero pag dumating sa punto na sobrang barkada na, nakakalimutan mo na na magulang mo ako, kailangang i-remind mo siya, di ba?” aniya pa.

Leave a comment

Leave a Reply