May 22, 2025
JM de Guzman courting Ria Atayde? Arci Muñoz reveals
Latest Articles

JM de Guzman courting Ria Atayde? Arci Muñoz reveals

Apr 1, 2019

Sa panayam namin sa presscon ng “Last Fool Show” tungkol sa mga ex, sobrang in the mood si Arci Muñoz sa pagsasalita kaya naman ibinuking niya ang kanyang leading man na si JM de Guzman tungkol kay Ria Atayde.

Inusisa ko si Arci kung bakit nasama ang pangalan ni Ria at tinanong ko kung kasama ba siya sa pelikula.

Sey ni Arci, hindi raw naman siya kasama sa nasabing romcom na idinirehe ni Eduardo Roy, Jr.

Giit pa uli ni Arci, “I love her (Ria), isa sa pinaka-thoughtful, pinaka-understanding, pinakamagaling na mag-advise na tao po ‘yun.”

Sinang-ayunan naman ito ni JM.

“Sobra,” sey ng aktor.

Pagkatapos, binawi ni Arci ang insinuation na nagkakabutihan na sina JM at Ria. 

“Hindi totoo ‘yung mga tsismis,” sey ni Arci. “Hindi totoo ‘yun. Close friends tayong lahat, hindi totoo ‘yung mga tsismis.”

Sa bandang huli ay binanggit pa nito na may ginagawa silang bagong drama series ni JM sa ABS-CBN kung saan ay kasama si Sylvia Sanchez, ang ina ni Ria. 

Ang tawag ni Arci kay Sylvia (Ibyang) ay mother-in-law ni JM kaya tawanan na naman.

Ang drama ni Arci, kunwari ay nadudulas siya at nagmamaang-maangan sa tuwing tinutukso si JM.

Sa group interview after the Q&A, tinanong namin si JM kung may katotohanan ba ang tungkol sa kanila ni Ria.

Paglilinaw niya, hindi raw niya nililigawan si Ria. 

“Courting her? Uso pa ba ‘yun?” sey niyang natatawa. “Hindi, kasi nakilala ko si Ria sa isang small circle rin namin sa showbiz. Sobra akong ano, eh… Hindi ko alam, parang ang bait-bait niya. Ugali niya, napaka-genuine, napaka-sincere na tao. Parang naa-attached lang ako sa mga taong ganu’n, mga positive na tao that will pull you up and she’s that type of person. Hindi siya showbiz,” esplika niya.

Hindi naman niya ikinaila na close friends sila ni Ria dahil gym buddies raw sila nito.

“Sa ngayon, we’re really good friends. Hindi pa ganu’n katagal ‘yung friendship namin pero ‘yung investment namin du’n sa friendship namin, we’re really investing du’n sa friendship,” pahayag niya. “Kasi, I would like to keep her. Kung anuman ang mangyari or whatever, I would like to keep her forever,” paliwanag niya.

Sey pa niya, mas priority daw niya ang career niya ngayon, over lovelife.

Happy naman si JM dahil nakatrabaho niya si Arci na dati na niyang kakilala dahil pareho silang naging miyembro ng isang theater group noong 2005.

Hindi pa sila artista noon, kagaya ng karamihan sa teatro, nagsimula sila bilang staff, iyong taga-ayos ng costumes, props at kung anu-ano pang kailangan sa produksyon.

Ayon kay JM, nag-enjoy siyang kapareha si Arci dahil napakasaya nitong katrabaho at nakakahawa ang kabaliwan nito.

Kakaiba rin ang karakter niya sa Last Fool Show dahil ibang challenge ito sa kanya.

“Dalawa iyong character ko. Kasi iyong sa reality, sa loob ng pelikula, ako iyong ex niya. Tapos iyong movie na nandoon sa pelikula na ginagawa ni Arci. Actually, may parallel stories siya tulad ng  kung paano ginagawa ang rom com na dapat sikat na love team ang mga bida, na wala kang  power  over it, kasi nasa kumpanya  ka, nasa kontrata ka, so bad trip na bad trip ka na, so maraming dapat abangan,” paglalarawan niya.

Mula sa produksyon ng Star Cinema at N2 Productions, palabas na ang summer romantic movie sa lahat ng mga sinehan simula sa Abril 10.

Leave a comment