JM De Guzman denies having problems with his relationship with Jessy Mendiola
Sa naging panayam ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) kay JM de Guzman sa exclusive screening ng bagong serye ng ABS-CBN 2 na “All of Me” na siya ang lead star, nilinaw niya na walang katototohanan ang mga lumalabas na balita na nagkakalabuan na umano sila ng girlfriend na si Jessy Mendiola.
Napapansin kasi ng followers nila sa kani-kanlang Instagram account na hindi na nagpu-post si Jessy ng mga larawan na magkasama sila ni JM. Madalas din ang ginagawang pagpu-post ng aktres ng ilang makahulugang quotes na ang iniisip ng iba ay patungkol sa estado ng relasyon nila ni JM.
“Mahilig lang mag-quote si Jessy ng mga songs talaga. Ever since, kahit nililigawan ko pa lang siya, yung mga quotes niya ay galing sa kanta,”sabi ni JM.
Aminado naman si JM na kahit paano ay may mga pinagdadaanan din silang problema ni Jessy. “Yun siyempre, she expects a lot from me, minsan hindi ko naibibigay.”
Napi-pressure siya sa expectations ni Jessy sa kanya?
“Mahal ko siya. Minsan, nararamdaman mong kailangan bang ganyan, ganito ba dapat? Pero kung mahal mo, lahat gagawin mo, kaysa naman mawala sa ‘yo ulit.”
Ikinumpara din ni JM ang relasyon nila ngayon ni Jessy sa naging relasyon nila noon.
“Dati po, naka-focus kami sa baka mawalan kami ng trabaho kung magpo-focus kami sa relasyon. Ngayon, meron na kaming pinapahalagahan o iniingatan na intimate. “Yung sa amin lang, binibigyan na namin ng importansiya yun at kumbaga, naiintindihan na namin, mature na kasi kami parehas, parang ganun,” pagtatapos pa ni JM.