
How JM de Guzman overcomes “gabi” in his life
Si JM de Guzman ang bida sa pagbabalik sa telebisyon ng Precious Hearts Romances “Araw Gabi.”
Sa pangalawang pagkakataon na binigay sa kanya ng Kapamilya network, ano ang maipapangako niya? Wala na bang darating na gabi sa buhay niya?
“Yung gabing darating, parang hindi naman po mapipigilan ‘yun sa tao, di ba? Pero ngayon po, dahil sa pinagdaanan ko, mas scaled na yung coping skills ko para ma-manage ko na ang sarili ko sa oras ng dilim.”
Patuloy niya, ”May support group po ako na hindi binibitawan. Meron po kaming monthly na requirement to attend, kasama ‘yung family namin para tuluy-tuloy po ang support.”
Hindi nga raw inaasahan ni JM na mabibigyan siya ulit ng show ng ABS-CBN 2.
“Actually ‘yung expectations ko nga po noon, tinanggal ko na, eh. Nung time na pinayagan ako ng rehab to reintegrate and make amends sa mga tao, sa ABS-CBN, pumunta po kami rito, kasama ‘yung counsilor ko, wala po kaming ini-expect na kahit ano. Pero nagulat po kami na meron po silang plano for me and sobra ko pong na-appreciate.”
At hindi lang daw itong PHR ang in-offer sa kanya, kundi pati na rin pelikula.
“Pero hindi pa po ako pinapayagang gumawa nang sabay ng rehab. So, pinag-usapan po namin kung ano po ‘yung uunahin ko para magdahan-dahan din po, para hindi po mabigla.”
Si Barbie Imperial ang leading lady ni JM sa PHR. Sa tanong sa kanya kung siya ang pumili sa dalaga, ang sagot niya, ay hindi. At hindi nga raw niya kilala ng personal si Barbie.
“First time po kaming nag-meet dun sa screen test.”
Ano ang first impression niya kay Barbie?
“Makulit and masarap kausap,” sagot ni JM
Sabi ni Barbie, ang first impression naman daw nito sa kanya ay masungit. Lagi raw kasi siyang seryoso, na hindi tumatawa.
“Kaya ako seryoso, kasi ganun po ‘yung character ko (sa PHR). So pag nasa set ako, tina-try ko na i-envive na rin ‘yun sa sarili ko, ‘yun lang yun.”
Aminado naman si JM na-attracted siya kay Barbie. Pero iniiwasan niyang magkagusto sa dalaga dahil alam naman daw niyang may boyfriend ito, si Paul Salas.
“At kaibigan ko po si Paul.”
Ang Precious Hearts Romances ay mapapanood na simula sa Lunes, April 30 sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN 2.