May 22, 2025
“I have yet to to learn more,” says JM De Guzman when congratulated on his being box office star; topbills in a new indie film, ‘Imbisibol’
Latest Articles Movies

“I have yet to to learn more,” says JM De Guzman when congratulated on his being box office star; topbills in a new indie film, ‘Imbisibol’

Feb 23, 2015

arseni@liao

by Arsenio “Archie” Liao

JM-de-Guzman Visible na naman ang magaling na actor na si JM de Guzman pagkatapos na pumatok ang kanyang pelikulang, ‘That Thing Called Tadhana’.

Pero kahit naka-120 million mark na ang kanyang pelikula, nananatili pa rin siyang grounded at unspoiled by success.

Ano’ng masasabi mo na box-office star ka na at isang rom-com actor na maraming kakabuging ka-kontemporaryo mo?

“Maraming bigas pa akong kakainin. I am just blessed na nakasama ako sa pelikula. Nakaka-overwhelm rin dahil si Angelica (Panganiban) ang nakapareha ko,” tugon ni JM.

Ano ang pakiramdam mo na kayang-kaya mo pa palang bumalik sa mainstream pagkatapos ng iyong pinagdaanang trials sa buhay?

“Ang sarap ng feeling. Iyong family ko, sobrang saya nila para sa akin,” aniya.

jmSa bagong movie mo na ‘Imbisibol’, ano naman ang aasahan ng mga manonood?

“Isa siyang napapanahong pelikula na may mga social issues na tinatalakay. Bale, kargador ang role ko. Bagong salta sa Japan pero legal na OFW. Ipinapakita sa pelikula iyong mga ordeals na pinagdadaanan ng mga OFW na ang iba ay TNT sa Japan pati na iyong struggles nila para hindi ma-deport,” salaysay niya.

Nakatulong ba ang ordeals na pinagdaanan mo noong nalulong ka sa droga upang maka-relate ka sa role mo?

“I guess, nakatulong siya. Iyong stage ng buhay mo na walang nangyayari at napakalungkot mo. Iyong naranasan mo na takot na mag-survive. I think, malaking factor iyon para maka-identify ako sa role ko.”

Tinanggap ka ng mga tao sa mainstream, sa palagay mo ba ay tatangkilikin ka rin sa pagbabalik mo sa indie film?

“Sa acting naman, wala namang pinagkaiba ang mainstream at indie. Iyong ‘Tadhana’ is also an indie movie na may pagka-mainstream ang tema. Maraming beses na rin akong gumawa ng indie films na para sa akin ay very challenging,” pagwawakas ni JM.

Ang ‘Imbisibol’ na base sa critically-acclaimed play of the same title na naging entry sa Virgin Labfest ng CCP ay mula sa direksyon ng Lawrence Fajardo (‘Posas’, ‘Amok’)

Kasama sina Allen Dizon, Ces Quesada, Bernardo Bernardo at Ricky Davao, ang ‘Imbisibol’ na kalahok sa first Sinag Maynila filmfest ay mapapanood sa SM Cinemas simula Marso 18 hanggang 24.

Follow me…

social networkingarsenio.liao
@artzy02

Leave a comment

Leave a Reply