May 23, 2025
JM de Guzman’s Instagram posts makes his fans worried
Home Page Slider Latest Articles

JM de Guzman’s Instagram posts makes his fans worried

Nov 13, 2015

by PSR News Bureau
jm-de-guzman_0Tila nakakabahala para sa fans ng aktor na si JM de Guzman ang post niya sa kanyang Instagram account lately kung saan may larawan siya na mayroong caption na: “Hey dad, are you going to send me to rehab again?” Madaming fans ang nag-react sa nasabing post ng aktor. Pero kaagad naman silang binigyan ng assurance ng aktor. “Pag masaya ako, nakakalungkot. Pag tahimik, may problema. Pag malungkot, nakadroga. Guys…guys…eto ako. Live with it. 17 months in rehab. 6 months I’ve been running the program. Hear our story. Respect our journey. We can be also a big help in our society if you just let us and free us from the undeniable stigma that literally chokes us every day…”
Jm-de-Gusman-new-look 1Hindi naman kaila sa lahat na madaming pinadaanan lately ang aktor kabilang na ang pakikipaghiwalay nitong muli sa kanyang ex girlfriend na si Jessy Mendiola. Hindi kailanman magiging madali ang lahat para sa isang taong ginagawa ang lahat upang muling makabangon ito sa buhay. Mabuti na lang at hindi kaagad sumusuko sa mga pagsubok si JM. Mahusay siyang aktor [na naipapakita naman niya sa teleseryeng ‘All of Me’], guwapo siya, maganda ang pangagatawan dahil sanay ito sa mixed martial arts na kanyang kinahihiligan mula noon hanggang ngayon at higit sa lahat may magandang bukas na naghihintay sa kanya. Huwag nga lamang siyang muling mapariwara o husgahan agad ng mga tao sa paligid niya. Nawa’y bigyan nating lahat ng pagkakataon si JM upang muling makabangon at maitama ang mga nagawa niyang kamalian. Hindi pa naman huli ang lahat. Bigyan natin siya ng pagkakataon, he deserves it after all.

Leave a comment

Leave a Reply