May 23, 2025
Jodi Sta. Maria admits she had a difficult time taking out Maya’s character in her
Latest Articles T.V.

Jodi Sta. Maria admits she had a difficult time taking out Maya’s character in her

Jun 2, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

maxresdefault

Higit sa inasahan ang naging outcome ng first week of airing ng remake ng ‘Pangako Sa ‘Yo’ na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo At Daniel Padilla. Nagtala ito ng 34 percent ratings na resulta ayon sa Kantar Media at nag-trending din sa social media na umabot sa mahigit one million ang post.

Todo naman ang pasasalamat ng isa sa main cast nito na si Jodi Sta. Maria nang makausap ito ng Philippine Showbiz Republic (PSR).

“Gusto ko pong pasalamatan ang lahat ng mga Kapamilya natin na tumangkilik ng ‘Pangako Sa ‘Yo.’ Thank you very much,” aniya.

Untitled“Malakas ang power ng KathNiel (Kathryn-Daniel) fans. Iba rin sila talagang sumuporta.” May love angle din sa roles nila ni Ian Veneracion bilang Amor Powers at Eduardo Buenavista. Sa pagsisimula ng airing ng kanilang soap, may kilig agad ito sa viewers. “Honestly, hindi ko rin in-expect na magkakakiligan kaming dalawa kapag nasa eksena. And kapag nakikita ko siya, kinikilig na tuloy ako sa kanya.”

Masuwerte si Jodi dahil nagkakaroon siya ng pagkakataong makapareha niya ang iba’t-ibang mga actors, from Richard Yap sa ‘Be Careful With My Heart’ to Ian Veneracion nga sa ‘Pangako Sa ‘Yo.’
“Mababait sila,” aniya patungkol sa dalawang aktor.

Si Eula Valdez ang naunang gumanap na Amor Powers sa original na version ng ‘Pangako Sa ‘Yo.’ Tumatak ang pagbibigay-buhay nito sa nasabing character. Ngayong siya [Jodi] na ang nagpu-portray nito, how does she handle ‘yung pressure? Lalo na at sa unang bersyon ng nasabing iconic TV series ay naging bahagi din siya ng cast bilang kapatid ni Jerich Rosales na siyang gumanap na Angelo na ginagamapanan naman ngayon ni Daniel.

“At first hindi ko talaga alam kung paano ko siya gagawin. Natakot talaga ako. Kasi napaka-iconic. Napakalaking karakter ni Amor Powers. Pero nakakatawa kasi binigyan naman kami ng liberty ng aming mga direktor at creative team para bumuo ng bagong character. Hindi kami sinabihan na kailangang ihalintulad namin doon sa previous character.”

pangako sa yo remake jodi sta maria amor powersPaano niya inaatake ang karakter ni Amor Powers?

“Well noong umpisa, ginawan namin siya ng parang character map. Yung tipong ‘paano ba si Amor kapag natatakot? Paano siya kapag na-inlove? Paano siya as a sister, as a daughter, as a friend.’ So binuo lahat ng emosyon. Kung paano siya kapag nagagalit, paano siya kapag masaya, ano ang beliefs niya in life, ang aspirations at dreams niya, ganoon. Sina Direk Olive (Lamasan) at ang creative team… umupo kami lahat talaga doon.”

At base sa sinasabi niyang character map na ginawa nila, ano ang aabangan sa character niya ngayon bilang Amor Powers?
“Si Amor De Jesus (na unang personalidad ni Amor Powers)… weak and humble. Si Amor Powers… revengeful.”

Mahabang panahon na ginampanan ni Jodi ang karakter ni Maya sa ‘Be Careful With My Heart’ kaya hindi madali for her na makakawala rito.

“It took a while,” pag-amin niya. Talagang binantayan ako ni Direk Olive. Kapag may nakikita siyang Maya, kailangan naming ulitin ulit.

Or there was one time na sasabihin ni direk na, ‘O, si Maya na iyan, alisin mo muna.’ Tiniyaga naman nila talaga ako. Kaya thank you very much kay Direk Olive.”

“And I would also like to commend our production team, our creative team, and my co-actors. Talagang ano siya… collective effort.”

Hindi muna daw siya tatanggap ng pelikula o anumang ibang projects sa ngayon.

“Parang ang feeling ko, magpu-focus muna ako dito sa ‘Pangako Sa ‘Yo.’ Kasi I want to give my all dito sa project,” pagtatapos ni Jodi.

Leave a comment

Leave a Reply